"DAMN it, damn it!"
Mariing pinupukpok ni Icko ang manibela. At the speed he was going, masuwerte siya kung hindi siya maaksidente. Pero wala na siyang pakialam kung mamatay na siya nang mga sandaling iyon. He knew he did the right thing, saying good-bye to Mara. Hindi na niya kayang makita ito nang hindi iniisip ang mga posibleng nangyari sa kanila. Wala na siyang karapatang mag-isip ng mga ganoong bagay.
Pero nang makita niya itong umiiyak habang yakap-yakap ni Dylan sa labas ng apartment building nito ay gusto niyang maghimagsik. He wanted to be that person, too. He wanted to be the one by her side.
Just when did good-bye became easy? Bakit kung alin pa 'yong tama, iyon pa ang pinakamasakit gawin?
Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. "Shit, Federico. Don't."
Mabilis niyang kinabig ang sasakyan sa tabing-kalsada. Pagkatapos ay itinuon niya ang noo sa manibela. Sinisikap niyang payapain ang damdamin niya. He didn't know that loving someone could be this hard and painful.
Dati, noong mawala si Rachel sa kanya, inisip niyang katapusan na ng mundo. Then Mara walked into his life unexpectedly. She was so ordinary he couldn't even believed how she managed to move him in inexplicable ways. Nang dumating ito, natutuhan na niyang patawarin ang sarili niya. Natututuhan na niya kung paano muling mabuhay nang tama. At nang umalis ito, alam niyang malaking parte ng puso niya ang kasamang dinala nito. Iyong parte ng puso niya na akala niya ay nawala nang mawala si Rachel sa kanya.
Siguro, pinagbabayaran niya ang pagiging makitid ng isip niya noon kaya nangyayari iyon sa kanya ngayon. It must be his karma. Pero hindi pa ba sapat ang taong iginugol niya sa tabi ni Rachel? Ilang beses bang kailangang mawala si Mara sa kanya bago siya mapatawad sa lahat ng mga naging pagkakamali niya?
Nang tumunog ang cell phone niya na nakasabit sa dashboard ay awtomatiko siyang napatingin doon. Inaasahan niyang si Rachel ang tumatawag pero nagulat siya nang makita ang pangalan ni Lily Montes sa screen. She was the host of Healthy Living.
Sumagap siya ng hangin at pilit na pinayapa ang damdamin. "Hello, Lily."
"Good evening, Mr. Laurel. Is it a bad time? I'm sorry. Sinisikap kitang tawagan kanina pa sa opisina pero wala ka raw at hindi mahagilap. And your phone is off earlier."
It's not just a bad time. It's the end of the world.
"It's all right. May kailangan ka ba?"
"Well, actually, it's about Rachel. Nagkausap na ba kayo?"
"About what?"
"About the proposal. Hindi kasi siya nagfa-follow-up mula noong huli kaming nag-usap almost two months ago at nalalapit na ang bagong show. Ang sabi kasi niya, mag-uusap daw muna kayo. We're trying to contact her, pero out of reach ang cell phone niya. Naisip ko lang na baka magkasama kayo."
Doon na siya nagtaka. Hindi niya masundan ang sinasabi ng kausap niya. "The proposal?"
"Yeah. We're bringing her back on Healthy Living since I believed she's okay now. And don't worry, we already have the approval of Doctor Rodriguez. We've already arranged everything."
"Ah, yes, Lily," nasabi niya sa kabila ng kalituhan. May nabubuong hinala sa isip niya. "Listen, I'll have her ring you up immediately."
Nang magpaalam siya rito ay agad niyang tinawagan si Dra. Rodriguez.
"Good evening, Doktora," kaagad na bati niya nang sagutin nito ang tawag.
"Mr. Laurel, I'm glad you called." Halata sa boses nito na nasisiyahan ito. "Matagal na rin tayong hindi nagkita. Rachel told me you're busy with the company."
Tumikhim siya. "Uhm, about that. May itatanong ako tungkol sa project sa Healthy Living..."
The next word from the doctor brought him back to his senses.
BINABASA MO ANG
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)
RomancePara kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fa...