"WHY DIDN'T you tell me about this, Rae?" kunot-noong tanong ni Icko kay Rachel.
Inilapag niya sa coffee table nito ang envelope na naglalaman ng bagong program design ng Healthy Living. Nakita niya ang pamumutla ni Rachel nang makita ang envelope na inilapag niya.
"S-saan mo nakuha ito?"
"Kay Lily. I met with her and asked for the programs. Kinausap ko si Doctor Rodriguez. Ang sabi niya, huwag na raw akong mag-alala na baka makasama na naman sa 'yo ang pagbabalik sa trabaho dahil natuto ka na raw mag-cope up sa stress. Na isang taon nang hindi nagma-manifest ang naging sakit mo noon. Ang sabi niya, mild depression lang ang nangyari and the whole lot of it is psychological."
It turned out that Rachel's wasn't the usual case of full-blown depression. Naging mahina lang talaga ang katawan nito at hindi nito kinaya ang stress kaya sa katawan nagma-manifest. But she wasn't suicidal or anything, na lagi nilang kinatatakutang mangyari. The reason she needed a psychiatrist was because Rachel had a hard time opening herself up to people. Umupo siya sa harap nito at pilit na hinuli ang mga mata nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may offer ka na uli sa Healthy Living? Why didn't you tell me about your condition? Bakit hindi mo sinabi sa akin na matagal ka nang magaling? Rae! Ito na yon, hindi ba? Ito na 'yong gusto mong mangyari."
"Gustong mangyari? Paano mo naman nalaman na ito ang gusto ko?" Nanlisik ang mga mata nito. "At bakit sasabihin ko sa 'yo? Para ano? Para iwan mo ako at lumipad sa Paris?" asik nito sa kanya.
Hindi niya napaghandaan ang outburst nito. "Don't tell me you..."
She smirked at him. "Hah! Alam mo ang dahilan kung bakit hindi mo alam? Because you never took the time to know, that's why." Puno ng sarkasmo ang tono nito. "You were always using the company as an excuse. Na palagi kang busy sa loob ng kompanya at doon nagpapalipas ng gabi sa loob ng tatlong taon. Bakit? Dahil ba punong-puno ang kompanya ng alaala ni Mara? Eh, di magtiis ka."
Naningkit ang mga mata niya rito. How could Rachel be this selfish? "Don't be a brat, Rachel! Alam mong importante sa akin ang kalagayan mo."
"Like a little sister," Rachel supplied with bitterness. "Yeah yeah, you do not have to rub it every time. Sa loob ng mahabang panahong magkasama tayo ay hindi ka na tumigil sa pagsasabing kapatid lang ang turing mo sa akin. Sawang-sawa na ako, Icko. All these years..." Sa pagkakataong iyon ay gumaralgal na ang tinig nito. "Ano ba'ng mali sa akin? Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin?"
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa pisngi nito. Hindi niya malaman ang gagawin. Kahit kailan ay hindi niya ito nakitang umiyak nang ganito mula noong high school ito.
"Ginawa ko na ang lahat ng puwedeng gawin. I even used your brother to spite you, thinking that that would make you realize that you love me more than just your sister. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin 'yon? I hated myself during those times I was with Ivan. Dahil alam kong niloloko ko siya at niloloko kita. Pero wala akong choice. 'Sabi ko, gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako."
Huminga ito nang malalim. Pilit pinupunasan ang mga luhang tuloy pa rin sa paglandas sa mga pisngi nito.
"Akala ko, magtatagumpay na ako. Lalo pa no'ng mga panahong lumalayo ka sa akin. I know you too much not to figure out that you were jealous of me and Ivan. Naisip ko, pasasaan ba at lalapit ka rin sa akin. No'ng sinabi mong kayo na ni Mara, naisip ko, gumaganti ka lang sa akin. Because you were stubborn and selfish, and always doing things your way." Pagak itong tumawa. "Hindi ko lang napaghandaan na magkakamali na naman ako. You did love Mara, didn't you? You love her too much you were willing to stay with me because you thought that was the right thing to do."
Ngumiti ito nang mapakla sa kanya. "Mas gugustuhin ko pang pinabayaan mo na lang ako noon at sinundan siya. At least, maiisip ko na katulad din si Mara ng lahat ng mga babaeng dumaan sa buhay mo. But no. You chose to stay with me not because you love me, but because that's the way you chose to love her. Nagbago ka dahil sa kanya. I have always hated Mara because of that. And I have always hated myself for wanting to take revenge. Naisip ko, 'buti nga sa 'yo, nararanasan mo na rin ang nararanasan ko. Alam mo na ang pakiramdam ng hindi makuha ang kaisa-isang taong minahal mo."
Her words rendered him speechless. Hindi niya inakala na ganoon ang tingin ni Rachel sa kanya. Rachel had always been such a sweet person. Bata pa lang sila ay likas na magiliw na ito. Ano ba ang ginawa niya rito? It seemed he brought out the worst in her.
"Ang pathetic ko, 'di ba?" patuyang sabi nito sa sarili. "No wonder hindi mo ako matutuhang mahalin. No wonder..."
Bago pa nito natapos ang sasabihin ay mabilis niyang niyakap ito. Sa ginawa niya ay hindi na nito napigilan ang sarili. Rachel cried hard on his shoulders. Siya naman ay nagsisikip ang dibdib sa nakikitang paghihirap ng kaibigan.
"I don't deserve you, Rachel," nahihirapang sabi niya.
Naiisip niya ang mga pasakit na dinala niya rito. Nagrereklamo siyang nahihirapan siya, pero mas malala ang ginawa niya sa kaibigan.
"I did love you. Totoong nalaman ko ang halaga mo sa buhay ko nang mawala ka sa akin. Hindi ko alam... I thought you really loved my brother."
Naramdaman niyang nanigas si Rachel. Marahang kumawala ito sa kanya at tiningnan siya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.
"Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin 'yon? Hindi ko mapatawad ang sarili ko sa naging katangahan ko. Kung na-realize ko lang nang maaga na mahal kita, sana ay hindi ako nahihirapan. When I lost you, I thought I had lost everything. Wala akong choice, Rae. I had to let you go. Pagkatapos ay dumating si Mara sa buhay ko isang gabi. She took care of me without asking for anything."
Naaalala niya ang unang gabing nagkakilala sila ni Mara. In his drunken state, he thought it was Rachel who was taking care of him. Hindi niya alam na iyon pala ang simula ng bagong buhay niya. Pero bakit ba hindi niya nalaman iyon kaagad?
Humugot siya ng malalim na hininga.
"She was just a foolish office girl who was always bullied by people. Ibang-iba siya sa iyo. She didn't know how to fight, so I had to do the fighting for her. I don't mind. I was happy being her supposed fairy godmother."
Kahit paano ay pareho pa silang natawa ni Rachel doon.
"Ibinalik niya sa akin ang nawala nang mawala ka sa akin, Rachel. Little by little each day, I learned to move on. Hanggang sa unti-unti na akong gumaling. Hanggang sa unti-unti ko na uling natututuhan kung paano ang mabuhay... totoong mabuhay nang mawala ka." Pinahid niya ang mga luha sa pisngi ni Rachel. "I'm sorry if I hurt you, Rae. Hindi ko sinasadya. I'm sorry if you've turned this way because of me. I'm sorry if you've hated yourself because of me. From now on, I promise I'll atone for all my sins."
Yumakap ito sa kanya at isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya.
"Oh, Icko, I'm sorry. I didn't know... I'm sorry..."
Niyakap niya ito sa pagitan ng pag-iyak nito. That's the least he could do for her.
BINABASA MO ANG
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)
RomancePara kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fa...