NANG hapong iyon ay dinala ni Icko si Mara sa isang hindi pamilyar na lugar. Isa iyong maliit na bungalow-type na bahay pero maganda ang pagkakayari. Punong-puno ang labas ng iba't ibang klase ng bulaklak at mga halaman. It reminded her of the house in Hansel and Gretel, except that this one was built on what she could only surmise as a flower field.
"Nasaan tayo?" tanong niya kay Icko.
Sa bilis kasing magpatakbo nito ng sasakyan ay hindi na niya nasundan kung saan sila nagpunta. Napansin niyang mula noong huling pag-uusap nila ay tila may bumabagabag dito. Kapag naman tinatanong niya kung ayos lang ito ay malapad na ngiti ang iginagawad nito sa kanya, na parang sinasabi sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala.
"Tagaytay."
Nagpatiuna itong maglakad sa mababang gate na napipinturahan ng dilaw. Naglakad pa sila sa patio na may mga bulaklak. Hindi niya mapigilang humanga sa lugar.
"This place is dreamy," aniya rito.
Ngumiti si Icko. "It is. It's my mom's home."
"Oh."
Bigla siyang kinabahan at na-excite at the same time. Hindi pa niya nakikita ang mommy nito. Pero naalala niyang ito ang nagpahiram ng apron ng Lolo Abel ni Icko na ginamit niya noon.
Kumatok sila sa pintuan. Ilang sandali pa ay bumukas iyon. Sinalubong sila ng isang may-edad na pero magandang babae na kamukha ni Icko. Kaagad na humalik ang binata sa babae na agad namang niyakap ng huli.
"We're here, 'Ma."
"Nasaan siya?" tanong ng ginang. Nang lumingon ito sa likuran ni Icko ay lumapad ang ngiti nito nang makita siya. "And you must be Mara."
Nagmano siya rito. "Kumusta po kayo?"
'"Tita Carmie' na lang, hija. I'm glad you came. Matagal ko na ngang iniuungot dito kay Icko na isama ka naman dito kahit minsan lang. Ipinagmamalaki ka nito sa akin."
Napatingin siya kay Icko. He wrinkled his nose, the tip of it turning red a little.
"Sa loob na lang tayo magkuwentuhan, Ma," wika nito bago nagpatiuna nang pumasok.
Napatingin pa siya kay Tita Carmie nang humagikgik ito. "Look at the poor boy blush." Then she gave her a warm hug. "It's really nice to finally meet you, Mara."
Kahit nagtataka siya na parang matagal na siyang kilala nito ay gumanti siya ng yakap. She instantly felt welcomed.
"THIS is amazing," hindi mapigilang bulalas ni Mara habang pinapasadahan ng daliri ang fireplace. "I can never learn to cook with this thing."
Nasa baking area sila ng bahay na iyon. Nalaman niya mula sa mommy ni Icko na madalas nagbe-bake doon ang binata kasama ang lolo nito.
Tita Carmie looked pleased. Umupo ito sa upuang yantok sa harap ng mesa.
"I'm sure matutuwa si Papa Abel kung naririnig lang niya ang sinabi mo. Ibinigay sa akin ang property na ito ng esposo ko noon. Alam daw kasi niya na maaalagaan at mamahalin ko ang lugar na ito gaya ng pagmamahal dito ng Papa Abel. Dito nagsimula ang TGF. Kahit nang makapagpatayo noon ng bahay ang father-in-law ko sa Manila ay dito niya mas gustong mag-isip at bumuo ng bagong recipe. Bata pa lang si Icko ay siya na ang tagatikim ni Papa ng mga bagong recipe niya."
Napapangiti siya habang tinitingnan ang mga antique pots and jars. May mga baking utensils din doon na bagaman halatang matagal nang hindi nagagamit ay maayos pa rin ang pagkaka-maintain.
"No wonder Icko has good intuition when it comes to baked desserts. Parang natural na po sa kanya ang pagpili ng masarap na pastry o cake."
"But Icko stopped baking those heavenly desserts when my father-in-law died. 'Sabi niya, it reminded him so much of his grandfather. Kung paanong masaya silang magkatulong na nagbe-bake habang nagbibiruan at nagtatawanan. Inisip din niya na ang TGF ang naging sanhi ng maagang kamatayan ng lolo niya. Kahit kasi nang may sakit na si Papa, wala pa rin siyang tigil sa pagtatrabaho lalo na nang magsimulang lumaki ang TGF. Pagkatapos, nang maghiwalay kami ng daddy niya dahil masyado ring natutok ang atensiyon ng asawa ko sa TGF pagkatapos mamatay ni Papa ay lalong hindi na siya tumuntong dito."
Nahimigan niya ang lungkot sa tinig ng ginang kahit matagal nang nangyari ang lahat.
"Kaya nagpapasalamat ako sa 'yo, Mara. For bringing Icko back to his first love."
Itinuro niya ang sarili. "Ako? Ano po ang ginawa ko?"
"Dati, 'sabi niya kay Anton, hinding-hindi siya tutuntong sa TGF. But because of the accident, he was forced to stay with the company. Pero alam kong hinding-hindi siya magtatrabaho para paluguran ang daddy niya at si Ivan."
Tita Carmie smiled at her. "Pagkatapos ay dumating ka. Unti-unting bumalik si Icko sa dati. Nagulat ako nang pumunta siya rito isang araw para hiramin ang apron ni Papa. Nakita na raw nito ang taong karapat-dapat magsuot niyon. Noon ko lang nakita nang ganoon kasaya ang anak ko.
Right there and then, kahit hindi pa kita nakikilala, nagpapasalamat na agad ako sa 'yo. And look where he is now. Kahit matagal nang gumaling ang mga sugat sa puso niya ay hindi na siya bumalik sa motocross. I want to think he had finally found the peace he was looking for in the company his grandfather spent his life nurturing. All thanks to you."
Tila may bumara sa lalamunan niya. Nagsama-sama ang mga emosyon doon. Hindi niya alam na ganoon ang tingin ni Icko sa kanya. All these years, she thought that she was the one who had high regards for him. It turned out it was a mutual understanding.
"Si Icko rin po ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Siya ho kasi ang unang naniwala sa akin maliban kay Daddy. I didn't want to disappoint him that's why I persevered."
"You and Icko... you're meant for each other," nakangiting sabi ng ginang.
"Magkaibigan lang ho kami. And... There has always been Rachel in the picture."
Umiling ito. "Maniwala ka sa sinasabi ko. Kahit sino o ano pa ang pumagitan sa inyo, hindi mababago ang katotohanang iyon. Just like the dessert Kismet. You and Icko are each other's missing part." Bahagyang ngumiti ito. "Mahal mo siya, 'di ba? I can see it in the way you look at him."
Dahil sa sinabi nito ay tila may nag-alis ng padlock sa puso niya. Tila naglabasan mula roon ang mga damdaming hindi niya alam na pinilit niyang itago sa kailaliman ng puso niya.
The realization that she was still in love with Icko, that she had always been in love with him, hit her so hard the way it did back then. Nag-init ang sulok ng mga mata niya.
Masuyong ngumiti ito sa kanya. "Come here, hija."
Ibinuka nito ang mga kamay. Hindi na siya nagdalawang-isip na lumapit at yumakap dito. Sinikap niyang pigilan ang pag-alpas ng hikbi mula sa lalamunan niya. Naramdaman niya ang kamay nito na magaang hinihimas ang likod niya. "Thank you for loving him, Mara. And no matter what happens, don't give up easily."
Na-touch siya. She felt like family.
Doon sumilip si Icko at pumasok sa kusina. Halatang nagulat ito sa nabungaran. Napapahiyang lumayo siya sa mommy nito.
"I've made us some tea from the garden. It complements the dessert on the fridge," sabi nito. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa. "Did I miss something?"
"Secret na lang namin iyon ni Mara," nakangiting sabi ng ginang at kinindatan pa siya. Natawa siya. She was simply endearing. Kapagkuwan ay tumayo ito at nagpatiunang maglakad. "Tamang-tama. Mag-merienda na tayo. Nagugutom na ako."
Nang tumingin siya kay Icko, ngumiti ito sa kanya. The kind of smile that reached the eyes and filled the empty spaces in her heart.
Her guilty pleasure.
BINABASA MO ANG
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)
RomancePara kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fa...