CHAPTER 5

2.8K 98 1
                                    

KUMUHA ng maraming tissue si Mara at pinunasan ang luha niya. Suminga siya nang pagkalakas-lakas dahil nagbabara na ang ilong niya. Pagkatapos ng trabaho ay excited siyang umuwi sa bahay para tapusin ang naantalang romansa niya sa Koreanovela na pinapanood niya.

"This is my most selfish decision... I will really miss you so much... I love you... I really love you..." anang karakter sa pinapanood niya.

"Huwag kang umalis!" malakas na sabi niya kausap ang karakter sa pinapanood niya habang panay pa rin ang pagpatak ng mga luha niya. "Huwag mo siyang iwan, parang awa mo na!"

Napaigtad siya nang marinig ang malakas na pagkatok sa pinto ng unit niya. Kasunod niyon ay narinig niyang sumigaw ang landlady niya.

"Mara, tumigil ka muna sa pag-atungal diyan! May bisita ka!"

Tumayo siya habang nagpupunas ng mga luha at binuksan ang pinto ng studio-type apartment niya.

"Sino po ba—Sir Icko!" bulalas niya nang makita kung sino ang bisita niya. Wala na roon ang landlady niya.

Akmang papasok ito sa loob pero pinigilan niya ito. "Sir, bawal po kayo rito."

"I told your landlady I'm your boss," wika nito sa maawtoridad na tinig.

Karaniwang hindi nagpapapasok ang landlady niya ng bisitang lalaki maliban na lang kung kamag-anak ng mga tenant nito. Si Icko pa lang ang nakapasok sa loob ng bahay niya.

"So this is where you live," wika nito habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan ng unit niya.

Kumunot ang noo nito nang makita ang mukha ng mga artista sa pinapanood niya. Lalong kumunot ang noo nito nang makita ang nagkalat na tissue paper sa paanan ng kama niya, kasama ng mga nagkalat na butil ng popcorn. "Ano'ng mga 'yan?"

"Ahm... nanonood po kasi ako nang dumating kayo."

"Akala ko ba dalaga ka? A young woman would normally socialize after work. Bakit ikaw ay nagkukulong dito sa bahay?" Inginuso nito ang cross-stitched ng mga anghel na nakasabit sa kuwarto niya. Nakahanay ang mga iyon sa pader niya. "Ikaw ang gumawa ng mga iyon?"

Proud na tumango siya. "'Galing ko, 'no, Sir? Collection ko po 'yan."

Pumalatak ito. "I can't believe this! Parang ikaw 'yong mga napapanood kong matatandang dalaga sa mga lumang pelikula sa movie collection ni Mommy. Cross-stitching... stupid dramas..." Ngumiwi ito nang makita ang suot niyang oversized T-shirt at jogging pants na PE uniform niya noong nag-aaral pa siya. "Disgusting sleeping attire. You're too consistent!"

Napanguso siya. Napaka-straightforward talaga nito kahit kailan. "Sir, bakit po pala kayo nandito? May trabaho po ba sa office na hindi ko nagawa?"

"Ah, right. About that." May iniabot ito sa kanyang folder. "Ikaw ang mag-grade ng mga concept design na 'yan. Ilagay mo riyan kung ano pa ang mga kailangang i-improve."

Atubiling kinuha niya iyon. "Sir, kay Chef Adrien po 'tong trabaho. 'Saka wala po talaga akong alam sa mga ganito."

"Anong 'walang alam'? You're talented!" bulalas nito. "Hindi man halata sa hitsura mo, pero innovative ang ideas mo. O, itong concept design na ito, ano'ng tingin mo rito?" May ipinakita ito sa kanyang papel na may picture ng isang gourmet mini-cake. Parang isa iyon sa mga nakalagay na sa market na trademark ng TGF.

Tiningnan niya iyon at pinag-aralan. Pagkatapos ay sinabi niya ang ideya niya tungkol doon. Tumawa ito. Ipinakita nito sa kanya ang assessment ng isa sa mga chef nila.

"See? Halos kapareho mo ang assessment niya. Kaya 'wag ka nang magduda sa kakayahan mo dahil magaling ka... O, bakit umiiyak ka?"

Umiling lang siya. Pinahid niya ang mga luhang namuo sa sulok ng mga mata niya. Na-touch kasi siya sa sinabi nito dahil maliban sa kanyang ama at kay Mang Pilo, ito pa lang ang nagsabing magaling siya. Kahit siya, madalas ay pinagdududahan na ang kakayahan niya. "Sir, sobra naman po ang tiwala n'yo sa akin."

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon