6th

805 13 0
                                    

"Alam mo ba ang pinapasok mo?" Janina asked.

Nandito kami ngayon sa condo ng gym sa kung nasaan nakatira si Janina.

"Ano bang pinapasok ko?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Don't make me a fool, Fel." Irap niya. "You know what I'm talking about.

Ibinaba ko ang dumb bells na hawak ko at hinarap sa Janina.

"Is this about Jacob? I told you were just friends."

Pagod akong tinitigan ni Janina. "Stop fooling around, Fel. Di mo ba nararamdaman na parang nagiging rebound ka na ni, Jacob? Like, hello! Earth calling, Felicity!"

I just shrugged Janina's observation. Sisiguraduhin kong hindi ako magiging ganoon.

---

Jacob B.: Hi! Wud?

Nakahiga na akong sa kama nang magtext si Jacob. Binabasa ko ang mga bagong magazines na nabili ko sa bookstore kanina.  Nagdadalawang isip pa ako kung magrereply ba ako sa text ni Jacob.

I admit that Janina's words slapped me like a bitch. Maging ako man, ramdam ko sa sarili ko na parang nasa ganoon na nga akong sitwasyon.

I feel something for Jacob. I just don't know if its love already. I like him a lot, really. Kahit na mahiwaga at misteryoso pa rin sa akin si Jacob Antonio Buenaventura Jr.

Nakatulugan ko na ang pag-iisip at hindi ko na nga nareplyan si Jacob.

Sabado ng umaga ngayon at nagtext sa akin si Janina na magkita kami sa Happy Lemon sa mall.

"So my friend texted me yesterday and she's quite curious about you and Jacob."

Napairap ako sa sinabi niya. "Ano na naman ba 'yan?"

"Jacob's been asking about you daw. At nagtaka siya kung bakit." She shrugged.

Hindi ko na masyadong pinansin ang mga sinabi ni Janina. Jacob's just being friendly with me.

"Oh, Michael's been texting me nonstop since yesterday. He's inviting to his birthday that will be held at the Hybrid. Do you wanna come with me?" yaya ni Janina.

"Sige. Wala rin naman akong gagawin tonight." sagot ko.

"It's a date, then."


Pasado alas siete na ng gabi at nandito pa rin ako sa kwarto ko. Hindi ako makapili sa damit na susuotin ko sa party ni Michael. Panay na ang text ni Janina sa akin. Nagtatanong kung tapos na ba ako sa pag-aayos. Alas nuebe pa naman ang meeting time namin kaya siguro okay lang na matagalan ako sa pagpili ng damit. Hindi naman kasi ako masyadong matagal sa paglalagay ng make-up sa mukha.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agaran ko na iyong sinagot sa pag-aakalang si Janina lang iyon.

"Hindi pa nga ako makapili ng damit," diretsahan kong sabi.

Nagtaka ako nang walang sumagot sa kabilang linya kaya't tiningnan ko na kung nasa linya pa ba si Janina.

Muntik ng lumuwa ang mga mata ko nang makitang pangalan ni Jacob ang nasa screen.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon