8th

747 15 0
                                    

Hindi na nagulat si Janina na makita si Jacob dito. Sa totoo lang, naiilang na ako sa tuwing nariyan si Jacob. Gusto ko na siyan kumprontahin tungkol sa mga ginagawa niyang pagsulpot sa kung nasaan kami.

"Hi," bati ni Jacob sa amin. Janina only smiled at him. Ibinaling niya sa mga taong nagsasayawan ang kanyang tingin.

"Hello! Hindi ko alam na nandito ka. Sinong kasama mo?" tanong ko sa kanya.

Jacob only looked at me with an unbelievable expression. Marahan siyang umiling bago sumagot.

"Mga kaibigan ko. Actually, nasa baba sila." aniya.

"Oh, I see." sagot ko. "Hindi ka ba nila hinahanap?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Ba't naman nila ako hahanapin?" balik niyang tanong.

"Wala naman," sagot ko.

Hindi ko maintindihan ang aura ni Jacob ngayon. Parang wala siya sa mood na makipagbiruan.

Tumikhim si Jacob at marahan niya akong sinulyapan. "Iniiwasan mo talaga ako, noh?" tanong niya.

Kumalabog ang dibdib ko sa tanong ni iyon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"H-hindi naman sa ganoon, Jacob-"

"Cut the crap, Felicity. Ramdam ko namang iniiwasan mo 'ko, eh."

Parang may kung anong punyal ang tumusok sa akin nang marinig ko ang tono ng pagsasalita ni Jacob. Nakonsensya ako bigla.

"Eh, k-kasi Jacob-"

"Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" mapait niyang tanong habang nakatitig sa kawalan.

"Gusto ko, Jacob!" maagap kong sagot. "I know what you've been going through right now. Ayaw ko lang naman makakuha ng mga mixed signals, eh. Kaya umiiwas ako."

Pumikit ng mariin si Jacob sa sinabi ko. "I get it. I really just want to hang out with you, you know."

"Why?" diretsahan kong sagot.

"I don't know. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakakasama kita." sagot niya.

"So parang panakip butas ako, ganoon?" segunda ko. "Ayaw kong maging ganoon, Jacob."

"Hindi sa ganoon. Talagang gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita at nakakasama kita. Gusto kong palagi kitang kausap. Pero hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon." aniya.

"Then we're better off as friends. Just don't cross the line, Jacob." sagot ko. "If you know what I mean."

Kumuha ng isang bote si Jacob sa kakalapag lang ng waiter ng mga bote ng beer na in-order ni Janina. Ibinigay niya iyon sa akin at saka kumuha siya ng isa pang bote para sa kanya.

"Cheers to our new friendship, Felicity." aniya.


Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon