Hi. I hope that you will find it in your heart to stop dragging someone's name just to lift others. Let's just continue to support our favorite authors without comparing to others. xx
-----------------------------------
Kumaripas ako ng takbo papunta sa pintuan para pagbuksan si Jacob. Hindi ko na inalintana ang hitsura ko.
"Jacob, sorry talaga. Late na tuloy tayo," bungad ko sa kanya. Kunot-noo niyang sinuri ang katawan ko, mula ulo hanggang paa.
"Okay ka lang ba?" tanong niya nang magtama ang mga mata namin.
"Ah, eh.." nag-aalangan kong sagot. Ayaw ko namang sabihin na masama ang pakiramdam ko dahil baka hindi kami matuloy sa lakad namin. "Sandali lang, Jacob. Mag-aayos lang ako."
Tatalikod na sana ako nang biglang hawakan ang braso ko. "Bakit?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Hindi na tayo tutuloy," aniya.
Binawi ko ang braso ko. "Bakit, Jacob? May nangyari ba?"
Umiling siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Sinalat niya ang leeg ko. "May sakit ka daw?"
Napangiwi ako sa tanong niya. Paano niya kaya nalaman?
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko. Pero nakapagpahinga naman ako," sagot ko.
"Hindi na tayo tutuloy. Dito na lang tayo," aniya.
"Paano ang mga friends mo? I'm sure they're expecting you to come," Shoot! Nakakahiya naman 'to. Baka isipin pa ng mga friends niya na sinosolo ko itong kaibigan nila.
"It's okay. Nakapagtext na ako kanina pa na hindi tayo matutuloy," aniya. "May laman ba ang fridge mo?"
Napasulyap ako sa fridge ko. May laman ka ba?
"Siguro?" natatawang sagot ko. Napailing naman si Jacob.
"Pahinga ka na lang muna sa kwarto mo. Magluluto lang ako ng pagkain."
Hinayaan ko na si Jacob sa kusina. Pumasok ako sa kwarto at naglinis ng katawan. Nakakahiya naman kasi sa bisita ko.
Napaisip ako habang naliligo. Ano kaya ang iisipin ng mga kaibigan ni Jacob sa akin? Baka sabihin nila na kinukuha ko ang oras ni Jacob. Ano ba 'to, bad impression agad?
Napapikit ako nang maamoy ko ang niluluto ni Jacob. Grabe, ang bango naman! Ano kaya ang niluluto niya ngayon? Nagmadali na ako sa pagbihis. Simpleng white t-shirt at maong shorts lang isinuot ko. Naabutan kong naghahanda si Jacob ng mga plato. Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Ang bango ng niluto mo, ah. Ano ba 'yan?" tanong ko habang naglalakad papalapit sa counter.
Nag-angat lang si Jacob ng tingin sa akin at ipinagpatuloy na niya ang ginagawa niya. Napag-isipan kong i-set na lang ang table para makakain na kami.
"Nagdinner ka na ba?" tanong ko habang naglalagay ng mga kubyertos.
"Oo," sagot niya. "Pero sasabayan kita para makakain ka ng maayos," aniya.
"Wow, ang sweet mo naman, Jacob!" sabi ko. Napailing lang siya sa sinabi ko. "Ang swerte naman ng magiging girlfriend mo." hirit ko pa.
Hindi naman nagreact si Jacob sa sinabi ko. Pansin ko tuloy na parang sensitive siya sa topic na 'yan.
"Friends ba kayo ng mga ex mo?" I blurted out.
"Hindi," aniya.
"O, bakit? Naging masama ba ang pagbreak niyo?" segunda ko. "Di naging maayos ang pagbreak niyo?"
"Siya ang bumitaw sa relasyon namin," sagot niya. Shoot. Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Jacob. I felt bad with my question.
"I'm sorry. I shouldn't have asked about that." napangiti ako ng hilaw. Ano ba naman kasing bibig 't.
"Okay lang. Tara, kain na tayo." yaya niya sa akin.
Tahimik lang si Jacob habang kumakain kami. Panay naman ang sulyap ko sa kanya. Nakakainis talaga. Okay naman ang mood niya kanina, eh. Naging iba lang talaga no'ng nagtanong na ako tungkol sa ex niya.
Nagpresenta akong maghugas ng mga pinagkainan namin. Hinayaan naman ako ni Jacob. Pinaupo ko na lang siya sa sala at sinabihan na i-on lang ang TV. Binilisan ko naman ang paghugas ng pinggan.
"May medicine kit ka ba?" napatalon ako sa biglaang pagsalita ni Jacob sa likod ko. "Sorry," aniya nang makita ang reaksyon ko.
"Grabe ka, Jacob. Parang lalabas ang kaluluwa ko sa gulat." sabi ko.
Halata sa mukha ni Jacob na pinipigilan niya lang ang matawa.
"Meron naman, nasa banyo ng kwarto ko. Bakit, may masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko. Hindi naman sumagot si Jacob. Bumalik siya sa pagkakaupo sa sala.
Kita mo 'tong lalaking 'to. Tinatanong ko ng maayos, di naman sumasagot.
Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan kay chineck ko ang ref kung may mga inumin ba ako tulad ng beer. Luckily, I found three. Naks, I love you lang? Kinuha ko ang dalawang bote at binuksan ang mga iyon. Agad akong lumapit kay Jacob at ibinigay sa kanya ang isa. Naabutan ko siyang tumitipa sa cellphone niya.
"May lakad ka pa?" tanong ko. Kinuha naman agad ni Jacob ang isang bote.
"Wala naman," iling niya.
"Hindi ka ba hinahanap ng mga kaibigan mo?" tanong ko pagkaupo ko.
"No," aniya. "Alam naman nilang nandito ako."
"I see," tango ko.
Hindi na nagsalita si Jacob pagkatapos. Tahimik naming pinanood ang isang action film sa Netflix. Ang awkward naman.
"Can I use the bathroom?" tanong niya.
"Yeah, sure." sagot ko ng hindi siya nililingon.
Parang ang may mabigat sa loob ko. Hindi ko nga lang alam ang rason kung bakit ko nararamdaman ito.
Biglang tumunog ang cellphone ni Jacob na nasa gilid ko. Napatingin ako sa gawi ng bathroom. Hindi pa lumalabas si Jacob. Ibinalik ko ang tingin sa cellphone ni Jacob. Nakita kong may isang mensahe doon. Galing yata sa katext niya. Out of my curiousity, binasa ko ang laman ng text nang hindi ginagalaw ang cellphone ni Jacob.
Leo: Rosie's here. Don't you wanna talk to her? C'mon, bro.
Kinabahan ako sa nabasa ko. Rosie? Who is she? Siya ba 'yong ex ni Jacob?
Narinig ko ang pagbukas ng bathroom. Kinalma ko ang sarili ko. I should stop myself from thinking about that. Eh, ano ngayon? Labas naman na ako sa lovelife ni Jacob. We're just friends. Always remember that.
"May nakita akong gamot doon. Inumin mo 'to," aniya.
Napatitig ako sa mukha ni Jacob. Why am I feeling this way? I find it really weird. Felicity, wake up! Hindi mo dapat nararamdaman 'yan. Sasaktan mo lang ang sarili mo. Gaga ka ba?
"Thank you," I said. Mabilis kong ininom ang ibinigay ni Jacob. "Hindi ka pa ba aalis?"
Nagulat si Jacob sa tanong ko. "Pinapaalis mo na ba ako?" natatawang tanong niya.
"Hindi naman. Baka kasi may iba ka pang pupuntahan." nahihiya kong sagot.
"Wala na akong ibang lakad, Fel."
Okay, Jacob.
BINABASA MO ANG
Numb Heart
FanfictionPaano nga ba mahalin ang isang taong hindi pa tapos na magmahal ng iba?