3rd

1K 15 0
                                    

Nagising ako sa alarm na nagmumula sa aking cellphone. Inabot ko iyon sa side table at pinatay ang ingay. Marahan akong tumayo at naglakad papunta sa may bintana para buksan iyon. Inisip ko ang mga bagay na gagawin ko sa araw na 'to.

Kakabalik ko lang galing Manila noong nakaraang linggo. Pumunta ako dito para magbakasyon. Nabalitaan ko kasi sa kaibigan ko na nakita niya si Jacob sa isang club sa BGC.

Jacob.

Jacob.

Jacob.

Shit! Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Jacob kagabi!

Nagmadali akong lumabas ng kwarto para tingnan kung nasa couch pa ba si Jacob o umalis na lang siya ng walang paalam dahil sa tagal kong magising.

Ugh, really, Felicity?

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Jacob sa counter na nagtitimpla ng kape.

"Good morning. I'm sorry kung nakialam ako sa mga gamit mo," aniya ng makita ako.

Natulala ako sa hitsura ni Jacob ngayon. He's topless! My goodness! I'm not that conservative pero ang makita si Jacob na topless ay nakakatanga!

Imagine, yung crush mo topless na gumagawa ng kape sa loob ng unit mo. Sino ba ang hindi mapapatulala sa ganyang sitwasyon?

"I-it's okay. Feel yourself at home," sagot ko.

"I'm sorry for being rude," aniya. "What's your name again?"

Oh, right.

"It's Felicity," ngiti ko. "Felicity Llanes."

Lumapit si Jacob sa akin dala-dala ang kapeng ginawa niya. Inabot niya sa akin ang isa.

"Nice to meet you, Felicity." Naglahad ng kamay si Jacob sa akin. Sinulyapan ko muna ang kamay niya bago ko iyon tinanggap.

"The pleasure is all mine, Jacob Antonio Buenaventura."

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Jacob habang pinipigilan ang pag-ngisi.

"So kilala mo pala ako?" Natatawang tanong niya.

"Just by your name," sagot ko. "I think you're quite famous."

Jacob was kind of surprised with my answer.

"Really? And why is that?" tanong niya.

Natawa ako sa tanong niya. Wala ba talaga siyang ideya kung anong nagagawa ng presensya niya sa ibang tao?

"I don't know," kibit balikat ko. "Maybe you're handsome?"

"That's a fact, okay."

Napanganga ako sa sagot niya.

"Seriously?"

Tumawa ng malakas si Jacob sa reaksyon ko.

"Joke lang, Felicity. Masyado kang seryoso." Ngiti niya. "Pero sa barkada namin, ako talaga ang pinaka-gwapo."

Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Seeing Jacob this way made me realized something.

You can really hide your true feelings to someone. I know he's a wreck inside. As what Janina had told me, she's not yet over with his ex. I really wonder what happened to them. I may not know anything about Jacob that much, but I think he's a good guy.

I want to know you better Jacob.




Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon