10th

468 14 2
                                    

It's been months pero ganoon pa rin ang routine na ginagawa namin ni Jacob. Madalas kaming lumalabas kasama ang mga kaibigan. Nakilala ko na rin ang mga matalik niyang kaibigan. Nakasama ko na rin sa dinner ang tito at tita niya nang bumisita ang mga ito sa siyudad.

Me: Sorry, Jacob. Next time.

Marahan kong hinilot ang leeg ko pagkatapos kong i-send ang text na iyon sa kanya. Tambak ako sa trabaho kaya hindi ako makagala. Feeling ko talaga may galit sa akin ang supervisor sa department namin, eh. Tinambakan ba naman ako ng sandamakmak na trabaho! Mag-iisang buwan na nga akong hindi gumagala dahil dito.

Inuwi ko na nga ang iba pang paperworks kasi nalilipasan na ako ng gutom dahil sa hindi ako makapag-break ng matino.

Napagpasyahan kong magtimpla ng kape nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pasado alas nueve na ng gabi at medyo inaantok na ako. Hindi ko muna tiningnan ang cellphone ko. Dinala ko ito sa mini kitchen para may mapaglibangan ako habang nagtitimpla ako ng kape.

Pagkatapos kong magtimpla ay napagpasyahan kong tingnan ang cellphone ko. Nakita ko ang reply ni Jacob sa text ko kanina.

Jacob: I'm coming over. Please don't say no.

Wala akong maramdamang kakaiba sa text niya kaya hinayaan ko na lang. Hindi na nga lang din ako nagreply baka  kasi magbago pa ang isip niya at hindi na siya tumuloy.

Napapitlag ako nang tumunog ang doorbell. Shit! Nakatulog pala ako! Hindi umepekto ang kape na ininom ko kanina. Kinapa ko ang cellphone ko. Nakita kong may mga mensahe doon si Jacob. Nagtaka rin ako dahil may missed calls pa.

Tumunog ulit ang doorbell.

"Sandali lang!" sigaw ko.

Hindi ko na binasa pa ang mga mensahe ni Jacob dahil naagaw ng taong nagdodoorbell ang atensyon ko. Hindi ko na nagawang sumilip pa sa peephole para tingnan kung sino itong nagdodoorbell.

Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Jacob sa labas.

"Based on your expression, sigurado akong hindi mo nabasa ang mga texts ko.." aniya sa natatawang tono.

"Oh, my goodness! I'm sorry! Kakagising ko lang. Napadaan ka?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Ah, nagtext kasi ako kanina na pupunta ako. Hindi mo ba talaga nabasa?"

"I'm really sorry, Jacob. Di ko na kasi nacheck pa kanina ang cellphone ko pagkatapos kong magreply sa'yo." nakakahiya naman 'to. "Hmm, pasok ka. Pasensya na kung medyo magulo. Dinala ko kasi ang ibang paperworks dito para mabawasan naman ang mga gagawin ko sa opisina."

Iginiya ko si Jacob papuntang sala. Napalinga naman siya sa paligid.

"Pasensya ka na talaga. Upo ka dito, oh." niligpit ko ang ibang mga folders na nasa ibabaw ng sofa. Umupo naman doon si Jacob at tiningnan ang mga papel na nakakalat sa sahig.

"Nakakahiya naman 'to." I chuckled nervously.

"Pasensya na talaga sa abala. Nag-aalala lang ako sa'yo." aniya.

"Aww, ang sweet mo! Buti ka pa naisipan mong dalawin ako dito samantalang si Janina ni text, hindi man lang magawa." tampururot ko.

Napangiti si Jacob sa sinabi ko. "Nakikita ko siya minsan sa Business Club. Kasama niya yata iyong boyfriend niya.

"Oh, talaga?"

"Oo. Nahihiya akong makipag-usap sa kanya kasi parang ayaw niya sa akin, eh."

Grabe si Janina. Umandar na naman ang pagiging bitch niya.

"Naku, ganoon lang talaga ang babaeng 'yon." sabi ko. "Gusto mo ba ng maiinom? O pagkain?"

"Tapos na ako. Kumain ka na ba?" tanong niya.

Napayuko ako nang marinig naming dalawa ang pag-aalburuto ng tiyan ko.

"Hmm, h-hindi pa. Hehehe!"

"Anong oras na? Dapat kumakain ka sa tamang oras. Baka magkasakit ka niyan." aniya. "Ano bang laman ng ref mo?"

Tumayo si Jacob at naglakad papuntang kitchen. 

"Ah, eh.. Wala?" natatawang sagot ko.

"Seryoso ka ba?" di makapaniwalang tanong niya.

Inunahan ko siyang maglakad patungo sa fridge. Pabigla ko iyang binuksan.

"Tadaaa! See, walang laman!" nakatawa kong sabi.

Napailing si Jacob sa sinabi ko. Tumingin siya sa kanyang wristwatch at marahang tumango.

"Tara." aniya at hinila na ako palabas ng unit ko.

Nasa loob na kami ng sasakyan niya. Hindi ako makapaniwala na hinila niya ako para bumili ng mga ingredients kasi magluluto siya.

"Hindi mo man lang ako hinayaan magpalit, Jacob." himutok ko. "Tingnan mo, oh. Naka-sweater lang ako at shorts."

"Okay lang naman 'yang damit mo, ah." aniya sa natatawang tono.

"Ewan ko sa'yo, Jacob." irap ko sa kanya.

Hindi pa rin nawala ang inis ko nang makatarating kami sa isang mall. Nabigla ako kasi may midnight sale pala rito. Hindi ko pa rin kinakausap si Jacob. Hinayaan ko siyang kumuha sa mga kailangan niya sa pagluluto.

"May gusto ka bang isali rito? Ako na ang magbabayad."

Matalim ko siyang tiningnan. Hmm, that sounds like a bargain.

"Okay,"

Pumunta ako sa lane ng mga chocolate at chips. Kumuha ako ng tigtatatlong malalaking bag ng chips ng Nova, Lays at Piattos. Kumuha rin ako ng Dairy Milk chocolates.

"Iyan lang. Thank you." 

Pagkatapos bayaran ni Jacob ang mga pinamili ay dumiretso na kami pauwi sa unit ko.

Nagsisimula ng magluto si Jacob. Nasa counter lang ako at nagmamasid sa mga ginagawa niya. Hindi ako makapaniwala na sa tikas niyang ito ay marunong siyang magluto.

"Marunong ka palang magluto?" biro ko sa kanya.

"Ah, oo. Hindi kasi ako mahilig sa mga takeout." aniya.

"Wow, ang swerte naman ng girlfriend mo." ngisi ko. Napansin kong natigil bigla si Jacob sa sinabi ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay ipinagpatuloy niya na ang kanyang  ginagawa.

There's an awkward silence in the air. Shoot, Felicity! You and your big mouth!



Writer's note:
Don't forget to vote and leave some comments.

Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon