11th

486 15 0
                                    

IG: wen199x

Twitter: wencares

-------------------------------------------------------


"Wala nga sabi akong girlfriend," ani Jacob.

"Oh, okay.." sagot ko na lang. Hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lang si Jacob sa pagluluto.

Bumalik ako sa sala para ligpitin ang mga nakakalat na mga folders and papers na kailangan kong pag-aralan para sa trabaho. Pinatay ko na rin ang laptop ko. Kumuha ako ng walis pagkatapos para walisan ang mga natitirang kalat.

"Is it okay if I leave you here?" tanong ko kay Jacob. Hindi pa rin siya tapos sa kanyang niluluto.

Lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo. "Saan ka pupunta?"

"Gonna take a shower," I chuckled. "Kahapon pa ako hindi naliligo,"

Natatawang napailing na lang si Jacob sa sinabi ko. "Make it faster. Patapos na 'to."

"Aye, aye, boss!" sabi ko at nagmadaling pumasok sa kwarto para magshower.

Nagmadali ako sa paglinis ng katawan. Plano ko pa naman sana na magbabad sa bathtub para ma-relax ang katawan ko. Pero dahil nandito si Jacob, sa susunod ko na lang iyon gagawin. Nakakahiya namang paghintayin ang bisita.

Nagsuot ako ng isang black spaghetti strap at maong shorts. I did'nt wear something special dahil si Jacob lang naman ang nandiyan. At isa pa, ito naman talaga ang sinusuot ko kapag nandito lang ako sa condo.

"Hmmm, ang bango, ah!" madrama kong sinabi paglabas ko ng kwarto. Napatingin naman si Jacob sa akin. Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang niluluto ni Jacob.

Natawa siya sa inasal ko.

"It's done. Let's eat." aniya.

"Jacob, ang sarap!" sabi ko nang matikman ang niluto niya. "Ang swerte ng magiging girlfriend mo!"

"Talaga?" nangingiting tanong niya.

"Oo nga," ngisi ko. "Grabe ang sarap talaga!"

Chicken curry lang naman ang niluto ni Jacob. Nakalimutan kong allergy pala ako sa manok tapos naparami pa ang kain ko. Hindi ko na ipinaalam sa kanya na allergic ako sa manok. Nakakahiya naman kasi. Siya nga nag-effort na magluto para sa akin tapos aarte pa ako.

"Ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin," sabi ko habang nagliligpit. "Upo ka muna doon."

"Okay," aniya pagkatapos maghugas ng mga kamay.

Tahimik akong nagliligpit sa mesa. Pinapakiramdaman ang sarili kung may mga sintomas na bang lumalabas sa katawan ko dahil sa pagkain ng manok. Thank God at wala pa naman.

Umupo si Jacob pabalik sa inupuan niya kanina habang kumakain kami, Tahimik siyang nagmamasid habang naghuhugas ako ng mga plato.

"May gagawin ka ba bukas?" tanong niya.

"Uhh, oo eh. Bakit?" sagot ko ng alanganin. Hindi pa naman kasi ako tapos sa mga ginagawa kong papers.

"I see. Nag-aaya kasi sila Teddy na mag-inuman sa isang bar. Baka gusto mong sumama para mag-unwind."

Tapos na akong maghugas ng mga pinagkainan namin. Nakapameywang kong hinarap si Jacob ngayon.

"Alam mo Jacob, talagang iba na ang iisipin ng mga tao sa ating dalawa kasi palagi mo akong kasama. Baka mamaya 'yan di ka na sagutin ng pinopormahan mong babae kapag nakita tayong laging magkasama."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Wala namang masama doon ah."

Hay, ano ba 'to. Paano ko ba sasabihin sa kanya na naiilang ako. Ayaw ko namang ma-offend si Jacob. Ang bait-bait naman kasi niya sa akin. At sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ako naiilang.

"O, sge! Sasama na ako. Tatapusin ko lahat ng mga dapat kong tapusin para makasama ako sa inyo bukas." sabi ko na lang. Ayaw ko ng pahabain pa. Ito kasing si Jacob, ang daming tanong.

"Baka mai maitulong ako?" tannong niya.

Naglakad na ako papuntang sala para ipagpatuloy ang mga ginagawa kong pagbabasa.

"No, it's okay." sabi ko. Napatingin ako sa wall clock at nakitang pasado alas dose na ng gabi. "Ang mabuti pa, umuwi ka na at magpahinga. Masyado na palang late, di natin namalayan ang oras."

Napakamot si Jacob sa kanyang ulo at napailing. "Sigurado ka ba?"

I winked at him. "Opo, daddy Jacob. I can handle these papers." 

Natawa siya sa sinabi ko.

"Okay, see you later, then." aniya at tumalikod na.

Tumakbo ako papuntang kwarto para kumuha ng hoodie. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Jacob na nagtitipa sa kanyang cellphone.

"Tara, hatid na kita sa baba." sabi ko. Tumango siya at ibinulsa na ang cellphone.

Nakapamulsa ako habang naglalakad kami papuntang elevator. I saw in my peripheral vision that Jacob's been glancing at me.

"May problema ba?" tanong ko.

"Wala," iling niya.

Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Natatawa ako sa hitsura ni Jacob. Parang may gusto kasi siyang sabihin pero pinipigilan niya lang. Hindi na ako nagtanong pa.

Jacob said his good night. Pagkarating ko sa kwarto ay tinrabaho ko na ang mga papeles.

Hindi ko namalayan ang oras sa pagtulog ko. Pagod na pagod ako pag gising ko, feeling ko magkakasakit ako. Buti na lang talaga nakapag-set ako ng alarm para ma-finalize ko ang mga papers na ipapasa ko.

Nabasa ko ang text ni Jacob. Ni-remind niya ako sa lakad namin mamaya. Naisip kong hindi tumuloy kasi masama ang pakiramdam ko. I replied to him, telling him to fetch me kasi hindi ako magdadala ng sasakyan. Nagreply naman siya agad.

"Hello, Janina.." bungad ko sa tawag ng kaibigan ko.

"Oh, ba't ganyan ang boses mo? May sakit ka ba?"

"Wala naman. Masama lang ang pakiramdam ko. Napatawag ka?"

"Wala naman, chinecheck lang kita. May lakad ka ba mamaya?" tanong niya.

"Oo, isasama ako ni Jacob sa lakad ng mga kaibigan niya mamaya. Bakit?" feeling ko talga magkakasakit ako. Namamalat kasi ang boses ko.

"Jacob na naman? Ano nanliligaw na ba siya sa'yo? Naku, Felicity, sinasabi ko sa'yo. Baliw na baliw si Jacob kay Rosie. Baka ginagawa ka lang niyang pampalipas oras."

Napairap ako sa pinagsasabi niya. "Ewan ko sa'yo. Kinlaro ko na 'yan kay Jacob. We're just friends. Wag mo na ngang lasunin ang utak ko."

"Binabalaan lang naman kita, girl. I don't want you to get hurt, okay?" aniya sa nag-aalalang boses.

"I know, I know. Thank you. But I can handle myself."

Nagpaalam na si Janina pagkatapos. She invited me to his friend's house party pero tumanggi ako dahil nga doon sa lakad namin ni Jacob mamaya.

Napagpasyahan kong matulog na lang muna. Mamaya na lang ako kakain pag gising ko.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Napamulagat ako nang makita ang pangalan ni Jacob sa screen. Oh, my goodness! Mag aalas diyes na ng gabi!

"Shit, Jacob, I'm so sorry!" dumiretso na ako sa CR para maligo na sana.

"Nasa labas ako ng unit mo," aniya.




Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon