FB: Wen Montefalco
IG: wen199x
Twitter: wencares
-----------------------------------------------------------------------------
I hugged Janina so tight nang magkita kami. Inaya ko siyang lumabas. Wala talaga akong konkretong plano sa lakad namin ngayon. I just want myself to breathe. Feeling ko nasasakal na akong magmukomok sa kwarto pagkatapos ng gabing 'yon.
Umalis din si Jacob pagkatapos ng ilang minuto n'on. Pinuntahan niya siguro si Rosie.
Janina has been sipping her milkshake. She's been eyeing me with full of curiousity. Napansin siguro niyang natutulala ako.
"Okay, spill it out." aniya. Umayos siya ng upo at tiningnan ako ng maigi.
Kumunot ang noo ko. "W-what are you talking about?" I chuckeld, trying to lighten up the mood.
"Something's bothering you, right? Tss. I know you, Fel." iling niya.
Napapikit ako ng mariin. Trying to look for the right words. Ayaw kong magmukhang nagseselos dahil wala naman akong karapatan. Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit may kirot akong naramdaman ng mabasa ko ang pangalan ni Rosie. I mean, hindi ko naman siya kilala, pero bakit ganoon?
"I heard Jacob's ex is back in town," there. She said it. And I'm feeling something again. "Kaya ka ba lutang at nagkakaganyan?"
I am eyeing my friend carefully right now. Ayaw kong isipin niya may malaking epekto sa akin ang balitang sinabi niya.
Janina is wearing her usual clothes, a salmon pink sleeveless shirt, gently tucked in her boyfriend jeans. Pearl earrings are her favorite jewelry. Suot niya rin ang necklace na ibinigay ko sa kanya noong birthday niya three years ago.
"Yeah, I know." I deeply sighed. "Siguro kung natuloy kami ni Jacob na umalis noong gabing 'yon, nagkita na sana kami."
"Hmm," reaksyon niya sa sinabi ko. "Mabuti na lang pala at sinabihan ko na siya na masama ang pakiramdam mo,"
"What?! Ginawa mo 'yon?" I can't believe it. Dapat ba akong magpasalamat sa ginawa ng kaibigan ko? Maybe, yes. Or maybe not?"Alangan naman hayaan kitang magparty, eh masama ang pakiramdam mo. Duh?" irap niya.
"May number ka pala ni Jacob?" tanong ko.
"Yep," tango niya. "You know what, since mukhang close naman kayo ni Jacob, why don't you talk to him about that? Para naman mawala na 'yang mga iniisip mo."
"Iyon na nga ang problema ko." Kinwento ko sa kanya ang nangyari noong gabing 'yon.
Natulala si Janina sa kinwento ko. "OMG. Do you have feelings for him, right?"
And that question hit me like a stray bullet. Ilang beses ko ng naitanong 'yan sa aking sarila. Maybe I am? To be honest, I really don't know the answer. And I really don't know why I'm feeling weird and strange feelings whenever there's something about his past.
"I don't know, Nini." sagot ko. "Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito. I mean, we're friends, right? He clarified that one to me. Pero, feeling ko nagkakagusto na ako sa kanya o I'm just attached to him kasi most of the time ay kasama ko siya." I am fucked up.
Malungkot akong tiningnan ni Janina. Hindi siya nagkumento sa sinagot ko. Sa totoo lang, ilang gabi na akong hindi makatulog ng maayos. Minsan inaabangan ko ang mga texts ni Jacob. Napapangiti ako sa tuwing nagtetext siya kahit minsan ko lang talaga siyang nirereplyan.
"Do you think you should distance yourself from Jacob na talaga?" alanganin niyang tanong. "I think he's giving you a hard time. You know it to yourself na may something pa si Jacob sa past niya 'di ba?"
Napapikit ako ng mariin. I am going to miss Jacob for sure. Siguro nga dapat na talaga akong umiwas sa kanya. Hindi niya naman kasalanan kung bakit ako nagkakaganito, eh. Ako lang 'tong may kung ano sa sitwasyon naming dalawa. I think I have feelings for him now. Hindi naman ako magkakaganito kung wala, eh. Ang sarap naman kasing kasama ni Jacob. He's very caring and thoughtful. Lucky for Rosie, eh.
Naglaro kami ni Janina sa arcade. Pinasagot sa akin ni Janina ang mga tokens kasi ako naman daw ang nag-aya. Tuwang-tuwa ako sa mga nilaro namin kahit na napagod ako sa kakatawa. Mukha kaming timang ni Janina dahil ang tanda-tanda na namin tapos dito pa kami naglaro.
Pagkatapos naming maglaro sa arcade ay nagyaya si Janina na magdinner. Treat naman niya iyon. Sa Jollibee na kami kumain dahil madalas kami dito noong college days. We ordered the usual. Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni Janina.
"Thanks for today. Gumaan na ang pakiramdam ko." I sincerely said after she parked her car outside the condo. "I know what to do na."
"Ano ka ba, wala 'yon. I'm glad kasi sa akin ka lumapit." ngisi niya. "I enjoyed this day! Sobra!"
"Me, too! I think we should do this if we're not busy with work."
"Yes, why not."
I waved Janina goodbye. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag dahil kanina pa ito nagvavibrate pero hindi ko tiningnan dahil ayaw kong ma-stress. Baka kasi sa trabaho, or worst.. Jacob. At tama nga ang hinala ko. Nagriring ngayon ang cellphone ko and it's Jacob calling.
"Oh, shoot!" I muttered. Hahakbang na sana ako nang marinig kong may nagsalita sa likod ko.
"Felicity,"
Nanlamig ako.
BINABASA MO ANG
Numb Heart
Fiksi PenggemarPaano nga ba mahalin ang isang taong hindi pa tapos na magmahal ng iba?