9th

611 12 2
                                    

Tawanan ang pumailanlang sa ere dito sa aming table. Jacob was telling us some jokes and I couldn't stop myself from laughing. Even Janina, who dislikes Jacob somehow, laugh her ass out. Sumasakit na nga ang tiyan ko sa kakatawa.

Pagkatapos ng ilang oras ay napagpasyahan namin ni Janina na umuwi na. Ininom ko ang natitirang wine sa aking baso. Napatingin ako sa gawi ni Jacob. Bigla akong na-conscious kasi nakatingin na siya sa akin.

"Uhh, mauna na kami Jacob." sabi ko.

"Hatid na kita." aniya sabay tayo.

"Naku, hindi na. Nakakahiya naman." tanggi ko.

"Hindi, okay lang. Wala rin naman akong iba pang pupuntahan." sagot niya habang kinukuha ang susi sa kanyang bulsa.

Madramang tumikhim si Janina kaya napabaling ako sa kanya. Marahan siyang tumango kaya napakunot ang noo ko. Tumaas ang isang kilay niya at iminuwestra si Jacob. Nakuha ko agad ang gusto niyang iparating kaya tumingin ako kay Jacob na nasa gilid ko na at handa ng umalis.

"S-sige,"

Pinagbuksan ako pinto ng sasakyan ni Jacob. Tahimik akong pumasok at inayos na ang seatbelt.

Tahimik kaming dalawa sa biyahe. Ramdam kong nakikiramdam lang din si Jacob sa akin.

"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanong ko.

Napasulyap si Jacob sa akin. "Tumutulong na ako sa papatakbo ng business namin."

"Ahh," napatango ako. "Uhm, how's your lovelife? Di ba magagalit girlfriend mo na naghahatid ka ng ibang babae?" There. I said it. Gusto kong makita kung anong reaksyon ni Jacob tungkol sa bagay na 'to.

"Ahh," he chuckled. "Hindi ka naman ibang babae. You're my friend, remember?" aniya. "Tsaka wala akong girlfriend ngayon. Kung meron man, hindi kita maihahatid sa condo mo.

"Are you serious?" I feigned a shock.

"Mukha ba akong nagbibiro?" balik tanong niya.

"Sa gwapo mong 'yan?" tawa ko.

"Gwapo pala talaga ako." aniya sa natatawang tono.

"Ang sama mo, Jacob." tawa ko.

"Sa'yo na nanggaling yun, ah."

Nagtawanan na lang kami hanggang sa makarating nami.

Hindi ko na hinintay si Jacob na pagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. Kusa na akong bumaba. Nasa harap ko na siya nang nakababa ako.

"Thank you sa paghatid." sabi ko. Nakapamulsa si Jacob at masuri akong tinitigan.

"You know something about me, do you?" tanong niya ng biglaan.

I just want to be honest with him kaya marahan akong tumango.

"And I know that you loved fiercely." sabi ko.

Tumingala si Jacob at saka huminga ng malalim.

"Sana hindi mo maisip na ginagawa kitang pampalipas oras. Alam kong nakukulitan ka na sa akin pero gusto lang talaga kitang maging kaibigan." aniya.

I smiled. Iyon naman talaga ang nararamdaman ko. Pero dahil sa sinabing ito ni Jacob, nawala na ang pangamba ko.

"Thank you so much for clarifying this to me, Jacob. Ayaw ko lang na malagay sa alanganing sitwasyon." diretsahan kong sinabi. "Sa totoo lang, iyon ang iniisip ni Janina." natawa ako sa reaksyon. "Pero now I know that it's pure friendship you want."

"Thank you, Felicity." aniyang nakangiti.

Hindi na ako nagpahatid kay Jacob sa unit ko. Nagpumilit siya pero tinanggihan ko na.

Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko ang laptop ko. I just want to check if I received some new emails.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Janina iyon kaya mabilis ko iyong tiningnan.

"Oh, napatawa ka?" bungad ko.

"Just checking," tawa niya.

"Baliw. Umuwi na si Jacob." sabi ko.

"Grabe ka, ha. Hindi naman ako tumawag para makibalita kay Jacob." aniya sa nasaktang tono.

"If so, anong ichi-check mo?"

"Ewan ko sa'yo, good night na."

Napatingin ako sa cellphone ko. Seryoso ba 'tong babae 'to? Knowing her, alam ko namang tungkol kay Jacob siya makikibalita.

Hindi ko na inisip pa ang tungkol kay Jacob. I don't want to think about him that much. After all, he clarified it already that he just want pure friendhsip.

Numb HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon