STONE
"NARARAMDAMAN mo rin ba sila?" paniniguro ni Stone kay Rexter. Sa isip pa rin sila nag-uusap. Hindi siya makapaniwala kaya gusto niyang umasa na hindi totoo ang hinala niya.
"Oo. Pero hindi kaya nagkakamali lang tayo, man?"
"I doubt it. Parehas tayo ng pakiramdam ngayon."
"I know. Pero paano nangyari iyon? Hindi ba't ubos na ang uri nila."
Iyon din ang akala niya. Matagal na panahon na ang nakararaan nang magkasundo ang mga bampira, lobo at mga aswang upang puksain ang mga nilalang sa dilim na naghahasik ng lagim na siyang nararamdaman nila ngayon. Nagtagumpay ang mga ito at pagkatapos ng digmaang iyon ay hindi na nag-usap pa ang tatlong lahi at muling nagkanya-kanya. Wala sa hinagap niyang magbabalik muli ang mga walanghiyang nilalang na muntik nang sumakop sa mundo.
Ilang sandali pa ay naalarma siya dahil hindi na niya maramdaman ang mga ito. Ibig sabihin, maaaring umalis na o nakikisalamuha na sa mga tao ang mga walanghiya. Tiyak na nasa ghost form ang mga ito kanina—ang anyo ng mga ito kung saan maaari nilang maramdaman ang mga ito. Pero oras na magbalik ang mga ito sa anyong tao tulad na lamang ngayon ay hindi na nila masasagap ang presensya ng mga kakaibang nilalang maliban nalang kung mahahawakan nila mismo.
"We need to inform the Versei. Tiyak kong alam nila ang dapat nating gawin," suhestyon niya. Ang Versei ay siyang namumuno sa kanilang mga bampira na katumbas ng Presidente at Senador sa mga tao.
Tumango lamang ito bago inilabas ang cellphone na tila may natanggap na text saka bumaling sa mga kasama nila.
"Ahm, mukhang hindi talaga meant to be na makasama namin kayo now," biro ng kaibigan. "Kakareceive ko lang din ng text galing sa isang business partner. Kailangan lang namin siyang puntahan. Hopefully may next time pa," dagdag palusot nito na sinundan pa ng ngiti. Maski siya aakalaing totoo iyon. Ano pa nga bang ipagtataka niya, eh, expert ang kaibigan sa pagtakas sa mga babae kahit dati pa.
"It's okay," wika ni Cheezer. "Pasensya na ulit kay Jona, ha."
"Naku wala 'yon. Kami nga ang dapat humingi ng pasensya."
"Ngek. Wala namang dapat ihingi ng pasensya." Ngumiti si Cheezer.
Tumango na lang si Stone bilang pamamaalam saka naunang tumalikod at naglakad sa direksyon ng labasan.
"Saan niyo sila nakilala?" rinig pa niyang tanong ni Jona bago sila tuluyang makalayo.
Napailing na lang siya. This day is indeed full of surprises.
"Pare, sa tingin mo may kakaiba talaga kay Cheezer?" untag sa kanya ng kaibigan. Sa isip pa rin sila nag-uusap upang makatiyak na walang ibang makakarinig. Maaari kasing nasa malapit lang ang mga nilalang na naramdaman nila kanina pagkatapos dumating ng aswang.
"Yeah."
"Pero yung totoo, may iba ka pang naramdaman sa kanya, ano?" nakakalokong tanong nito.
"Shut up, Rex."
"Hay naku. Napakaboring talaga ng ugali mo. Paano ka na lang kaya kung wala ako?"
"I'm sure tahimik ang buhay ko."
"Ang sabihin mo, baka magpakamatay ka na lang dahil mababaliw ka na."
Hindi na lang niya pinatulan ang pang-aasar nito. "Anyway, hindi ba't nahawakan mo ang kamay ni Cheezer kanina? Nakita ko no'ng magprisinta kang bitbitin iyong ibang pinamili nila."
BINABASA MO ANG
The Union Of Bloods (Revised Version)
VampireShe's not a vampire but she's fast and strong. Not a werewolf but sometimes acts as one. Not a witch but has powers nor a ghost but can disappear from the naked eye. Only one thing is for sure... she's not a human.