CHAPTER 5 - VERSEI'S POWER

8.9K 268 41
                                    


STONE

"HEY, BAKIT KA NAKATAYO LANG DIYAN?" tanong ng kaibigang kay Stone na hindi na niya nagawang tugunan dahil awtomatiko rin itong napahinto nang lagpasan siya. Napanganga pa ang bunganga ng lalaki.

Inuutusan niya ang sariling gumalaw pero tila siya nawalan ng control sa sariling katawan. Kung gaano katagal silang nakatayo roon nang hindi gumagalaw ay hindi na niya alam.

Kahit sinong bampira o ibang nilalang pa siguro ang nasa kalagayan nila ay ganoon din ang magiging reaksyon. Dati-rati kasi ay nasa pangunahing kwarto kung saan nagaganap ang mga pagpupulong o di kaya'y nasa kani-kanilang silid lang ang siyam na miyembro ng Versei. Madalang ding makumpleto ang mga ito dahil maraming pinagkakaabalahan ang bawat isa. Kaya sa normal na pagkakataon, ang nakakaharap lang nila ay isa, dalawa o tatlong miyembro lang. Ngayon ay hayun, kumpletong-kumpleto ang mga ito at nakatutok ang siyam na pares ng mga mata sa kanila.

Mabilis na kumilos ang mga mata ni Stone upang pagmasdan ang mga makapangyarihang nilalang na kalmadong nakapwesto sa mga kahoy na upuang ipinasadya pa sa bawat isa. Magkahalong itim at pula ang kulay ng mga silya at may matataas na sandalan kung saan kapansin-pansin ang hugis koronang tuktok na sumisimbolo sa awtoridad at kapangyarihan ng mga nakaupo.

Nakahanay ng diretso ang lahat ng miyembro sa malawak na salang wala halos kalaman-laman maliban sa isang malaking painting ng Black Mansion na nakasabit sa likurang pader ng sala at ang malaki at pahabang mesa na nasa harapan ng mga ito.

Kinakabahan man ay hindi naiwasang pagmasdan ni Stone ang siyam na kabilang sa pinakamalalakas na bampira. Nasa kaliwang pinakadulo ang pinakamatandang miyembro na si Daxton na maya't mayang binibigyan ng makahulugang tingin ang katabi nitong si Eunice. Ang kaso, walang pakialam ang magandang bampira rito na abala sa pagpapapansin sa nasa tabi nitong si Hunter. Nasa kabilang side naman ni Hunter ang nakapoker-faced at walang kagalaw-galaw na si Janelle. Syempre pa, nasa pinakagitna ang pinuno na prente at seryosong nakaupo na tila naghihintay lang ng susunod na mangyayari. Sinusundan ito ng kapatid ni Janelle na si Jobelle na tila naaalibadbaran sa nasa kaliwa nitong si Orrick. Samantalang ang huli ay parang walang ibang gustong gawin kung hindi makipaglandian sa katabi nitong kasintahan na si Fawn. Ang huling miyembro naman na nakapwesto sa kanang dulo ng linya ay si Zero.

 Ang huling miyembro naman na nakapwesto sa kanang dulo ng linya ay si Zero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Chill lang kayo guys, hindi namin kayo kakainin. Lapit na kayo rito," nakangiting wika ni Daxton. Ito ang nasa kaliwang pinakadulo sa hanay.

Nagmamadali silang lumapit kasabay nang pagpapakawala ng hiningang hindi niya namalayang kanina pa pala pinipigil. Ganoon pala ang pakiramdam na makasama sa iisang kwarto ang mga kaharap. Pakiramdam niya, napalitan ng nag-uumapaw na kaba ang dugong dumadaloy sa kanyang katawan.

Kung ang pagbabasehan ay ang batang-batang mukha ng naturang miyembro at ang nakatayong ayos ng buhok na maaari nang makatuhog ng butiki, aakalaing ito ang pinakabata sa mga kaharap—na siyang kabaliktaran sapagkat ito ang pinakamatanda. Sa kabila ng bibong personalidad nito ay ang hindi matatawarang lakas na resulta ng napakaraming karanasan sa pakikipaglaban. Pambihira rin ang taglay na kakayahan ng pinakamatandang miyembro kung saan kaya nitong makita ang anumang nasaksihan ng isang nilalang sa oras na mahawakan.

The Union Of Bloods (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon