CHAPTER 7 – WHO IS CHEEZER?
STONE
NATIGIL sa pag-iisip si Stone nang pabalabag na bumukas ang pintuan at sumungaw doon ang nakangising kaibigan.
"Who's the lucky girl?"
Blangko ang ekspresyon niyang binalingan ang lalaki.
"Nasaan na iyong babaeng dinala mo rito sa resort? Hot ba, man? Maganda? Mestisa o Morena? Ano? Hindi mo naman siguro iniisip na maitatago mo siya sa akin," dire-diretsong wika ng binata sabay upo sa sofa na nasa harapan niya.
"Kung may gusto akong itagong babae sa 'yo, hinding-hindi ko siya dadalhin dito. Alam ko naman gaano karami ang spy mo rito. So, if you are talking about Cheezer—"
"What?! Whoah..whoah..wait... si Cheezer ang dinala mo rito?!" bulalas nito na napatayo pa talaga at mabilis na tumabi sa kanya. Hindi pa nakuntento ang kaibigan at inakbayan pa siya na may kasamang patapik-tapik sa kanang balikat niya. "Aba, aba, akala ko wala ka nang pag-asa. May himala pala talaga. That's my man!"
"Iyan lang ba ang ipinunta mo rito? Akala ko ba ay may importante kang appointment ngayon?"
"Hindi ko pwedeng palampasin ang kaganapang ito. So, asan na si Cheezer? Huwag mo sabihing pinauwi mo kaagad?"
"She's sleeping next door."
Tumango-tango ito. "Sabagay malamang pagod na pagod siya. Pero 'di ko akalaing gagawin mo iyon sa isang tao. Paano mo nakaya iyon nang hindi siya nasasaktan?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "What the hell are you talking about?"
"Sus, huwag ka nang mahiya, kapatid. Tayo-tayo lang naman dito."
"Shut up. Umalis ka nalang kung wala kang matinong sasabihin."
"I'm hurt, man." Napahawak ito sa dibdib na akala mo'y nasaktan talaga. "Naglilihim ka na sa akin ngayon. Dati naman sinasabi mo lahat sa akin. Kapag may crush ka o may bagong pinopormahan... maski nga first kiss mo nakwento mo... first hug, even first heartbreak. Tapos ngayon—"
"Walang nangyari sa amin," putol na niya rito dahil mukhang may balak pa ang walanghiya na halungkatin ang lahat ng nangyari sa lovelife niya sa loob ng ilang dekada.
"What?! Eh, bakit siya natutulog ngayon kung wala naman palang nangyari sa inyo? Ano puro foreplays lang—aray! Ba't ka nambabatok?!"
"Ang dumi ng utak mo."
"Thank you. That's one of my many, many charms. Ano ngang nangyari? Bakit nakikitulog dito si Cheezer? Damn you to the nth power, man. First time mong magdala ng babae rito tapos pinatulog mo lang nang walang nangyayari. God, you're hopeless." Umiling-iling ang kaibigan.
Napabuntong-hininga siya. Para sa kanya ay ito ang hopeless, hindi siya. "Something happened at their restaurant and I was supposed to bring her home pero pagkaupo palang niya sa sasakyan ay nakatulog na siya. Dito ko siya dinala since malapit lang. Hindi ko na rin siya ginising at hinayaan kong matulog sa kabilang room," mahabang paliwanag niya upang matahimik ito.
Ilang segundo siya nitong tinitigan na tila hindi makapaniwala sa narinig. Akala niya'y nagtagumpay siyang mapatahimik ito. Pero bigla na lamang itong humalakhak at hawak pa ang tiyan na napaupo sa sahig. Pinanood niya lamang ang matalik na kaibigan sa tila wala nang bukas na pagtawa nito.
"Hindi ko akalaing gano'n ka kaboring. Kakaupo lang sa sasakyan mo tulog agad," nang-aasar na wika nito kasabay nang pagpunas sa gilid ng mga mata. Ang bwisit, talagang naluha pa sa kakatawa.
"You clearly missed the 'something happened' part."
"Ohh... may nangyari na bago mo pa siya isakay sa sasakyan?"
BINABASA MO ANG
The Union Of Bloods (Revised Version)
VampireShe's not a vampire but she's fast and strong. Not a werewolf but sometimes acts as one. Not a witch but has powers nor a ghost but can disappear from the naked eye. Only one thing is for sure... she's not a human.