CHAPTER 6 - CHAOS IN THE RESTO

8.3K 251 80
                                    

CHAPTER 6 – CHAOS IN THE RESTO

CHEEZER

"ANO ba namang klaseng serbisyo ang meron kayo rito?! Hindi na nga masarap ang pagkain may langaw pa! Gusto niyo bang sa inyo ko ipakain ito, ha?! Ikaw, ikaw na may-ari ng restaurant na ito, pagsabihan mo nga 'yang mga tao mo!"

"Pasensya na po, ma'am. Papalitan na lang po namin ang order niyo," pagpapahinahon ni Cheezer sa customer na kanina pa nagsisisigaw.

Nasa Taminee's siya sa mga sandaling iyon dahil kulang sila sa tao. Nagkasakit kasi ang dalawang waitress nila kaya kahit hindi pa maganda ang kanyang pakiramdam resulta nang nangyari no'ng isang araw sa Baguio.

"Papalitan?! Gano'n-gano'n na lang 'yon?! Eh, paano kung sumakit ang mga tiyan namin dahil sa dumi ng pagkain dito?!"

Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili. Kung hindi nga lang din kabastusan ay kanina pa siya nagtakip ng tainga. Ang tinis kasi ng boses ng babae at magkakalahating-oras na 'atang nagbubunganga sa restaurant nila. May mga customer na ngang nagsialisan at may ilang hindi na tumuloy pumasok pagkatapos marinig ang mga pinagsasasabi nito.

Sa totoo lang ay hindi siya naniniwalang may langaw sa pagkain ng ale. Maliban sa kalidad ng pagkain nila ay prioridad nila ang kalinisan at kaayusan roon. Laging ibinibilin ng nanay niya sa mga empleyado nila na suriing mabuti ang mga pagkaing inihahain at siguraduhing malinis lahat ang kanilang mga kagamitan sa pagluluto. Kumpleto rin sa tamang kasuotan ang lahat ng tagaluto at tagasilbi nila ng pagkain.

Isa pa, halos ubos na ng mga ito ang pagkaing inorder bago pa man sabihin na may langaw.

"Pasensya na po talaga. Ano po ang pwede naming gawin?" malumanay pa ring tanong niya.

"Ibalik ninyo ang ibinayad namin at sesantehin mo ang babaeng 'yan," pagalit na sagot ng babaeng kung titingnan ay tila tindera ng alahas sa dami ng mga abubot sa katawan. Hindi pa ito nakuntento at dinuro pa ang waitress niyang hindi na makakibo at kanina pa mangiyak-ngiyak.

Hinawakan niya sa balikat si Reizan at marahang tinapik upang iparating na wala itong dapat katakutan. Wala siyang balak sundin ang masungit na customer. Hindi naman kasalanan ng tao niya kung talaga ngang may walanghiyang langaw na napadpad sa pagkaing inihain nito.

Limang taon nang nagtratrabaho sa kanila ang babae at wala siyang naging problema rito maliban na lamang sa walang-sawang pagpapantasya nito kay Yves at pang-i-stan sa BLACKPINK na minsan ay nagiging dahilan nang hindi pagpasok sa trabaho.

"Ibabalik na lang po namin ang ibinayad ninyo, ma'am."

Nagsitawanan ang mga kasama nito sa mesa. "Kaya naman pala palpak ang serbisyo rito, eh. Bingi ang may-ari. O baka naman hindi ka niya naintindihan, baby," nakakalokong wika ng lalaking nakabrace ang ngipin at nakaakbay sa 'tindera ng alahas'.

"Oo nga, Mitch. Dapat talaga sa iba na tayo kumain, eh," gatong naman ng babaeng mukhang mais na nabilad sa araw. Busy ito sa paglamon ng natitirang fresh lumpia sa plato ng katabing mas interesado pang magselfie kaysa kumain.

Maarteng tumayo ang eskandalosang customer na Mitch pala ang pangalan. Nakapamaywang na humarap ito sa kanya na sinabayan pa ng taas ng kilay.

"Didn't you hear what I said? Bingi ka ba, walang utak o sadyang natatakpan lang ng taba iyang tainga mo?" Hindi pa nakuntento ang babae sa pinagsasasabi at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa.

Ni minsan hindi niya pinansin kapag pinupuna ng iba ang kanyang katawan. Wala siyang pakialam kung hindi siya matatawag na sexy sa pamantayan ng karamihan dahil aminado naman siyang may katabaan siya. Pero sa mga sandaling iyon ay tila gusto niyang daganan ang malditang ale nang tuluyang magkandalasog-lasog ang katawan nitong konti nalang ay ipamamalit na niya sa walis tingting nila.

The Union Of Bloods (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon