CHEEZER
"DON'T worry. I'll take her home."
Awtomatikong napalingon si Cheezer kay Stone. Wrong move. Nakatutok na pala sa kanya ang mga mata ng lalaki na tila sinusubukan siyang basahin. Mabilis tuloy niyang inilipat ang atensyon kay Rexter na abot tainga ang pagkakangiti.
"Oo nga, Book. Grabe ka naman sa amin. Hindi mo kailangang mag-alala. Kami na ang bahala kay Cheezer. Besides, mukhang may iba kang kailangang ihatid."
Sinundan niya ng tingin ang direksyong inginuso ng binata. Doon lang niya napansin na may nakaupo palang babae sa katapat niyang mesa at mukhang kanina pa nanonood sa kanila. Alanganing ngumiti ang singkit na estranghera sa kanila at bahagyang kumaway pa.
"Are you really okay? Kusa ka bang sumama sa kanila rito?" maya-maya ay tanong ng kaibigan sa kanya. Nacurious man sa babaeng kasama nito ay hindi na siya nagtanong. Tutal naman ay mukhang hindi talaga siya gustong makita ng lalaki.
"That hurts, man. Hindi kami nangingidnap ng babae. OA ka."
"Okay lang ako. Hindi mo ako kailangang alalahanin. Sabi ko nga 'di ba, hindi na ako bata."
Mataman siyang tinitigan ni Booker saka napabuntong-hininga. "Okay. Give me your phone." Kinuha nito ang teleponong ipinatong niya sa mesa kanina bago pa man siya makaalma. Ang lalaki na rin ang humila sa kamay niya at naglapat ng kanyang hintuturo sa likuran ng cellphone upang mabuksan iyon.
"Ise-save ko muna ang number ko as number 1 speed dial para mabilis mo akong matawagan kapag kailangan mo ako. Palitan mo nalang kapag nakauwi ka na. And I'll inform Justice that you're here," dire-diretsong wika nito habang kinakalikot ang hawak na gadget.
"Bahala ka. Mukhang kahit naman tumutol ako gagawin mo pa rin ang gusto mo." Sumimangot siya. "Ilang taon lang tayong 'di nagkita, ganyan ka na sa akin."
Ibinalik ni Booker ang phone sa kanya. Nagulat siya nang hawakan siya ng binata sa magkabilang balikat at iharap rito. "I'm sorry. Nagulat lang ako nang makita kita rito. I'm sure maiintindihan mo rin soon." Matamis itong ngumiti na lalong nakapagpasingkit sa mata nito. "For now, sige mag-enjoy ka rito. Pero make sure na alagaan mo ang sarili mo, ha. Huwag kang basta-basta magtitiwala sa mga kakakilala mo lang," makahulugang wika ng lalaki.
Naguguluhan man sa pinagsasabi nito ay tumango na lamang siya. Wala eh, natunaw na ng ngiti nito ang inis niya kanina.
"Oo naman, oppa. Kaya ko ang sarili ko, okay?"
Mataman muna siya nitong tinitigan bago tuluyang bitawan. Ilang beses pang bumuntong-hininga ang lalaki na waring nakikipagdebate sa sarili kung iiwan talaga siya. Maya-maya pa'y walang-salitang tinapunan nito ng tingin ang misteryosang babae na agad namang naintindihan ng huli dahil mabilis itong tumayo at nauna nang naglakad palabas ng cafeteria.
Sumunod na rin si Booker pero kitang-kita niya nang sandali itong huminto sa gitna nina Rexter at Sone. Wala siyang narinig na kahit ano at hindi rin siya sigurado kung may sinabi nga ang una dahil likod nalang nito ang nakikita niya. Ang magkaibigan naman ay parehas na blangko ang ekspresyon ng mukha.
"So... let's go?" Si Stone ang bumasag sa nakakailang na katahimikang namayani nang maiwan na silang tatlo roon.
"Ahmmm...saan?" kunot-noong tanong niya.
"Ihahatid na kita."
"Ahhh..."
Bakit may iba ka bang ineexpect na pagdadalhan sa 'yo? paninita niya sa sarili.
"Kung okay lang, gusto ko sanang mag-stay nalang dito for tonight. Don't worry, I'll just pay for my room. Ngayon lang kasi ako nakapunta rito so I might as well enjoy it."
BINABASA MO ANG
The Union Of Bloods (Revised Version)
VampireShe's not a vampire but she's fast and strong. Not a werewolf but sometimes acts as one. Not a witch but has powers nor a ghost but can disappear from the naked eye. Only one thing is for sure... she's not a human.