CHAPTER 2 - UNWANTED REUNION

11.7K 333 46
                                    


STONE

PALAISIPAN pa rin kay Stone ang nangyari kani-kanina lang kung saan narinig niya ang iniisip ng kaharap. Maliban sa kung ano-anong kalokohan na naisip nito ay nakakaalarmang natibag ng babae ang mind shield niya.

Bago pa sila umupo ni Rexter ay nilagyan na niya ng harang ang kanyang isipan. Isa siyang mind reader kaya nakakabasa at nakakarinig siya ng iniisip ng ibang nilalang. Kaya rin niya iyong harangan kapag ginusto niya. Gaya na lamang ng mga sandaling iyon.

Napagod na siya kakahanap sa mga lagalag na bampirang sadya nila sa lugar kaya naisipan nilang umupo muna sa foodcourt. Laking gulat nga lang ni Stone nang bigla niyang narinig sa kanyang isipan ang boses ng babae na nakilala niya bilang Cheezer. Labis iyong nakapagtataka dahil wala siyang maramdamang kakaiba rito.

"Ang totoo, first time namin dito kaya hindi namin alam ang mga pupuntahan. Kung mamamasyal pa kayo, can we tag along?"

"What?" mabilis na tanong niya kay Rexter sa isip nang marinig ang sinabi nito.

"Bakit? Ano namang masama sa pamamasyal?"

"Sige. No problem," sagot naman ni Precy na ikinakunot lalo ng noo niya.

"May trabaho tayo ritong kailangang tapusin, Rex."

"Ang kj mo talaga, man. Pwede naman sabay ang pag-eenjoy sa misyon, eh."

"Paano tayo makakapag-focus kung may iba kang inaasikaso? What if they got hurt because of us?"

"May point ka. Pero tiwala naman ako sa ating dalawa. Kayang-kaya natin mga walanghiyang bampirang 'yon. Kita mo nga nagtatago na sila at ayaw magpahuli sa atin. Isa pa, I'm curious, man. Sinara ko ang mind shield ko kanina pero narinig ko ang iniisip ni Cheezer."

Nagtama ang tingin nila ng kaibigan. "She broke your mind shield too?"

Kita niya ang pagsasalubong ng mga kilay ng lalaki. "Don't tell me natibag din niya ang mind shield mo? Nagsara ka rin ng isip kanina?"

"Yeah. That's why I couldn't control my reaction earlier. Dahil nagulat ako no'ng marinig ko ang boses niya sa aking isip."

"Interesting." Napataas ang kilay nito. Busy sa pagkain ang dalawang babae kaya hindi napapansin ng mga ito ang mga reaksyon nila.

"Pero ngayon ba naririnig mo pa ang iniisip niya?"

"Iyan pa ang nakapagpatrigger sa akin, man. Bigla nalang nawala ang boses niya. Kung mind reader siya iisipin kong nagsara rin siya ng mind shield."

"That's impossible. Mararamdaman natin kung bampira siya."

"Yep. Kaya nga dapat kang magpasalamat sa akin dahil pwede pa natin silang obserbahan."

"As if naman 'yon talaga ang plano mo. Type mo lang si Precy, eh."

"Si Cheezer ang type ko."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Kidding," mabilis na wika nitong halatang pinipigil ang pagtawa. Palihim pa itong nag-peace sign sa kanya. "Kalma lang. Obvious namang si Precy ang type ko."

"Good luck. Mukhang mahihirapan ka sa kanya." Wala iyong himig pagbibiro. Batid din naman niyang nabasa ng kaibigan ang iniisip kanina ng baabe. Pumayag lang itong sumama sa kanila dahil iniisip nitong type siya ni Cheezer dahil sa pagtitig nito sa kanya. Nang makita nga sila kanina ng babae napasabi lang ito na gwapo sila pero wala na itong anumang naging komento sa kanila. Iba iyon sa kadalasang nagiging reaksyon ng mga babaeng nalalapitan nila.

The Union Of Bloods (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon