CHAPTER 9 - ELEVENTH SQUAD

6.1K 136 8
                                    


STONE

MABILIS na napahawak si Stone sa ulo nang maramdaman niya ang pagkirot no'n. Even his vision started to become blurry. Gayunpaman, malinaw niyang naririnig ang isa-isang pagbagsak ng mga nasa paligid niya.

Naalarma ang buong sistema niya. Napasok ba sila ng kalaban? Bakit hindi man lang niya naramdaman iyon? Paano nagawa ng mga itong mapatulog sila nang hindi man lang sila naaalarma? Siguro ay gas ang ginamit ng mga ito.

Sinugatan niya ang sariling kamay upang labanan ang antok na nararamdaman. Maraming maaaring mapahamak kung mawawalan siya ng malay. Nasa teritoryo niya ang mga hindi imbitadong bisita kaya hindi niya hahayaang malayang makapanakit ang mga ito.

Labis siyang kinabahan nang maalala si Cheezer na nawalan ng malay.

"Painumin mo siya ng gamot, Book," narinig niyang wika ng isang lalaki.

"Sigurado ka, Justice?"

"Yeah. Nasa lugar nila tayo. Hindi naman sila ang isinadya natin dito. Hindi rin kasama sa plano natin ang magkaroon ng 'di pagkakaunawaan sa pagitan nila. Bilisan mo bago pa siya tuluyang makatulog."

Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag sa narinig. Inabutan siya ni Booker ng bilog na tableta. Nagdalawang-isip siyang tanggapin iyon pero kalauna'y ininom din niya. Naisip niyang hindi naman siguro siya basta gagawan nang masama ng lalaki. They're not friends but not enemies either. Isa pa, inumin man niya o hindi iyon ay nasa panganib na siya.

Pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman niyang umeepekto na ang gamot. Luminaw na ang lahat ng kanyang pandama. Pero sa halip na mapanatag ay lalo siyang naalarma.

What the fuck! Bakit may nararamdaman siyang presensiya ng mga taong-lobo at aswang sa lugar?!

Sa isang swabeng paggalaw ay maliksi siyang tumalon paatras—palayo kina Booker at sa lalaking tinawag nitong Justice. Naningkit ang kanyang mga mata nang makitang hawak ng huli ang nahihimbing na si Cheezer. Naalala niyang nabanggit ni Booker ang pangalan ng lalaki kanina habang kausap si Cheezer. Ibig sabihin ay kakilala ito ng babae. Pero ano ang kaugnayan ni Cheezer sa isang taong-lobo? At bakit ito napapalibutan ng mga kakaibang nilalang?

"Teka, Stone, makinig ka muna," agap ni Booker sa kanya. Naramdaman malamang ng lalaki ang pagiging alerto niya at tangka niyang pagsugod.

"Pasensya na sa pang-aabala namin sa inyong kasiyahan, Mr. Zaldana. We will explain everything later."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. Bampira si Booker at taong-lobo naman si Justice. Bakit magkasama ang mga ito?

"Tangina, ano bang nangyayari," bulalas bigla ng kung sino. Alam na niyang si Rexter iyon. Pagbaling niya sa pinanggalingan ng boses nito ay kita niyang bihag ito ng isang babae. Isang babaeng aswang to be exact.

Parang gusto tuloy niyang magmura rin at magsecond the motion sa sinabi ng kaibigan.

"Hindi siya tinablan ng pampatulog mo, Book," wika ng babaeng aswang. Binitawan nito si Rexter na agad tumalon palapit sa kanya.

"Really? Interesting. Sige, ite-take note ko 'yan."

"Ano nangyayari, man? Pucha, papunta na kami sa exciting part ni Janna, kanina, eh. Bigla nalang nakatulog tapos dumating 'yang babaeng aswang na 'yan."

"Wala rin akong ideya," sagot niya.

Tumutok ang atensyon ng tatlo sa kanilang dalawa.

"Pasensya na kayo. Again, hindi namin intensyong makipaglaban sa inyo. Iba ang sadya namin dito," mahinahong wika ni Justice.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Union Of Bloods (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon