MAGANDA ANG panahon sa kabila nang pag-ulan kagabi. Dahil Sabado at wala siyang pasok. Kaya makapagdadala siya nang mga gulay sa mga suki niya palangke. Katatapos lang kasi nang ani nang mga gulay. At dahil tumutulong siya sa pag-ani binibigyan siya nang magulang niya nang karapatang kumuha nang para sa kanya. Nakasanayan na kasi niyang magdala nang panindang gulay sa bayan. At dahil marami siyang kakilala roon kaya. Wala pa isang oras, simot na ang paninda niya. Ang perang kinikita niya ay pandagdag niya sa allowance na ibinibigay sa kanya.
Tatlong lingo na ang nakakaraan ang magdesiotso anyos siya. Pero para sa kanya. Tulad pa rin siya nang dati. Hindi kagaya nang mga kaibigan niya na pulos pagpapaganda na ang iniisip. Dahil siya wala siyang paki-alam sa bagay na iyon. Simple at hindi siya palaayos. Pero nang pilitin siya nang professor niyang sumali sa beauty contest nang nakaraang taon sa paaralan nila. Siya ang tingahal na Beauty Queen.
Tanungin ba naman siya sa question and answer protion nang. What is love? Isang nakakalukong ngiti ang namutawi sa labi niya nang maalala iyon.
"Love is a never ending emotion, it will make you sad, it'll make you laugh but one thing is for sure, you'll find smiles in every tears drops. " Ang totoo hindi niya alam kung saan niya nakuha ang sinabi niyang iyon. It just came out naturally.
Nasa ganun siyang pagmuni-muni nang bigla siyang nagulantang dahil sa malakas na businang iyon. At ganun na lang ang gulat niya nang makita niya ang sasakyang kasalubong niya. Dala nang pagkataranta ay nakabig niya nang tribike niya. Pababa iyon kaya hindi niya nagawang kontrolin ang pagbulusok niya. Dahilan upang bumanga siya sa maliit na puno ang manga na naroon sa gilid nang kalasada.
Dala nang pagkabigla ay nalaglag siya sa ukang naroon sa tabi niya. Napatili niya ang mabasa siya nang na-ipong tubig roon.
"Miss," narinig niyang tawang nang boses lalaking iyon. So the stupid driver notice her. Siguro niyang masama ang hitsura niya saka dumakhot nang tubig putik. Saka galit na isinaboy iyon sa lalaking naroon na sa harap niya. "What the f—hey."
"Dapat lang iyan sa'yo. Anong akala mo, dahil may kotse ka, sarili mo na ang kalsada rito." Galit na lintya niya sa lalaking mukhang nabigla sa ginawa niya. Saka niya tumayo. Saka nangigilgil na binalikan ang bike niya.
"Oh my god, Shenn what happened to you?" Bigla ay tila nagpagting ang tainga niya dahil malanding boses na iyon nang babaing lumapit dito. Sa iksi nang sout nitong palda kita ang kulay nang panty nito.
Lihim na nagmura siya dahil nahirapan siyang i-akyat ang tribike niya. At ganun na lang ang gulat niya nang mabilis na lumapit sa kanya ang lalaki. Bigla tuloy siyang kinabahan sa pag-aakalang gagantihan siya nito.
"Let me help you." Anito saka tinulungan siyang i-angat ang tribike. "I'm sorry about that." Narinig niyang turan nito nang tuluyang naiangat ang bike. Noon lang niya nagawang titigan nang mabuti ang mukha nito. Saka lang niya napagtantong guwapo ang lalaking kaharap. Mukha itong Koreano sa hitsura nitong iyon. Baka dayuhan ito. Kaya siguro hindi ito nagreact sa pagsigaw niya rito kanina. And she like those eyes of his still staring at her. Nagmumukha itong nakangiti kahit hindi naman. Bigla ay sumalakay ang matinding kaba sa dibdib niya dahil sa titig nitong iyon.
"Look at yourself Shenn," natitilihang saad nang babae. Saka tila nandidiring tinitigan nito a ng lalaki. Subalit binaliwala lang nito ang sinabi nang babae. Saka muli siyang binalingan. Gumuhit ang masayang ngiti sa labi nito na ikinabigla yata nang nerve cells niya sa utak. She felt paralyzed. Na parang wala siyang ibang nais gawin sa sandaling iyon kundi ang titigan ang guwapong mukha nito. "Kung bakit kasi may mga taong tatanga tanga." Sa tinurang iyon nang babae siya nagising.
BINABASA MO ANG
WAY BACK TO YOU
Romance"Gusto kong maging asawa kita. Gusto kong maging akin ka. Dahil ayaw kong may ibang lalaking lalapit sa 'yo. Dahil mahal kita." Ilang linggo matapos pumayag ni Madelyn sa lihim na pagpapakasal nila ni Shenn ay bigla na lang nawala ang lalaki. Nang p...