8

8.2K 127 0
                                    


"ANO BANG INAASAHAN, mo Madelyn na babalik nga siya. " Galit na sita niya sa sarili. Hindi kasi niya maiwang ma-irita sa sarili. Nang sabihin kasi nitong babalik ito, nang umalis itong kasama ang asawa nito. Bigla ay nakadama siya nang pag-asam. Damn it. Hindi pa ba siya natututo. Ilang pangako pa ang kailangang sirain nito para matauhan siyang kahit kailan, hindi ito tutupad sa lahat nang sinasabi nito sa kanya.

Padabog na lumabas siya mula sa elevator. Subalit ganun na lang ang gulat niya nang mapagsino ang lalaking nakasandal sa nakasarang pinto nang unit niya. Saka bahagyang tumingin ito sa sout nitong relong pambisig. Habang kunoot ang noong binalingan siya.

"Saan ka galing?" Galit na tanong nito nang makalapit siya. "Dalawang oras na akong nandito. Alam mo ba iyon?"

"Nagpunta ako sa grocery, at natraffic ako. Bakit ba?" Angil niya dito. Ano bang pinagpuputok nang butsi nito?

"Bakit ba kasi nanghihintay. Ba't di ka dumeritso sa bahay mo." Bahagyang napa-urong siya nang kunin nito ang susi sa kamay niya. Tila kasi siya nakuryente dahil sa pagdaiti nang balat nilang iyon.

"Dahil sinabi ko sa'yong hintayin mo ako diba." Patuloy na lintaya nito nang makapasok sa bahay niya. Then he shut the door behind him.

"Kasama mo ang asawa mo, kaya bakit kita hihintayin." Naroon ang pagpipigil niya sa sariling magalit dito. Walang siyang karapatang makadama nang selos.

"Why are you so--- I'm hungry." Anito saka pabagsak na naupo sa mahabag sofa.

"So, dapat kumain ka kasama ni----"

"Stop it, Madelyn, kung ayaw mong ikaw ang kainin ko nang bou."Tila may init na nanalakay sa katawan niya. "Start cooking for me, will you."Utos nito saka kampanting sumadal sa sofa. Then he turn on the television. Napapa-iling na lang nagtungo siya sa kusina.

Abala siya sa kusina nang mapalingon siya sa gawing iyon. Shenn was silently watching her. Standing beside the table. Bigla siyang nakadama nang pagka-asiwa. Akala niya ay naroon ito sa salas at nanonood. Bigla ay sinalakay siya nang pagkataranta ang humakbang ito palapit sa kanya. He looks damn serious. At bigla siyang nakadama ang pagkalito. Tila nanigas si Madelyn sa kinatatayuan nang tuluyang itong huminto sa harap niya. She felt her body tremble with that sensation. Lalo siyang natuliro nang kabigin nito ang batok niya saka siya siniil ang halik. Ramdam niya ang pananabik nito, as if he had waited for that moment. Sinubukan niyang itulak ito palayo. Subalit nauwi sa pagganti niya nang yakap dito ang kamay niyang kusang pumaikot sa batok nito.

Only then she realized how she missed those touch. Tila pinawi nang mainit na halik na iyon ang anumang alalahanin niya. At walang ibang alam ang puso niya sa mga sandaling iyon kundi ang pag-ibig na matagal niyang tinabunan nang galit para dito. He hates him for abandoning her. For letting her suffer alone that almost cost her life. And yet he made her forget about all of that. Dahil sa halik na iyon. Maybe the love she felt for him was much stronger than any pain. Kahit alam niyang niluko lang siya nito. Mahal pa rin niya ito.

"I've missed you sweetheart." Masuyong saad nito nang pakaawalan nito ang labi niya. Halos mapatid ang paghinga ni Madelyn dahil sa halik na iyon. "Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong makasama kang muli." Puno ang sensridad na saad nito. Nagtatalo ang puso't isipan ni Madelyn sa mga tinuran ni Shenn. Sa puso niya, naroon ang pag-asam na muling bumalik ito sa kanya. Subalit sa isip niya, naroon ang takot dahil alam niyang impossible ang nais niya.

"Kung alam ko lang na sa isang halik lang kita mapapamo, sana matagal ko nang ginawa. I love you so much sweetheart." Naroon ang labis na kasiyahan sa mata nito.

WAY BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon