3

8.9K 120 3
                                    


HINDI MALAMAN ni Madelyn kung paano pipigilin ang pagngiti habang nakatititig siya sa mukha ni Shenn. Ito ang nagdidrive nang tribike niya. Dahil hindi pa man siya gumising ay naroon na ito sa bahay nila. At nakikipagkuwetuhan sa ama niya. Alam niyang natutuwa rito ang ama niya dahil, wala itong anak na lalaki. At ganun rin si Shenn dito. He was too longing for a father pigure. Ayon dito. Labing amin na taong gulang pa lang ito nang mamatay ang ama nito dahil sa heart failure. His father was an Korean-Ameican and was raised by his parents in New York. Pero nang nagka-edad ito nang bente tres ay nagpunta ito sa Pilipinas para sa isang vacation trip. There he meet Shenn mother. And he fell in love with her, and live in the Philippines. Tatlong taon rin umano itong nanirahan sa bansa. Kasama ang ina niya. And his father learned to love the land. Pero hindi iyon ang pangarap nang ina nito. Kaya nagpasya ang mga itong bumalik sa New York.

Pero nang ipinanganak ito ay dinala si Shenn nang ama nito Pilipinas. His father wanted him to grow up in the place he learned to love. Ang lola ni Shenn ang siyang nagpalaki dito. Nalaman niyang ang karatig nilang hacienda lang pala iyon. Subalit mas madalas itong nakatira sa Maynila. Subalit nang mamatay ang ama niya ay dinala siya sa New York nang ina. Umuwi lang dito dahil sa pagpanaw nang lola nito at kailangan nitong asikasuhin ang hacienda.

"Don't stare at me like that, naasiwa ako." Saway nito saka nag-iwas nang tingin.

"Bakit naman kita tititigan aber?" Aniya saka umirap. Ang lakas naman nang senses nito.

"Ewan ko, baka nga feeling ko lang iyon." Wika nito sabay tawa nang malakas. "Teka, bakit ka ba nagtitiyagang magdala nang mga gulay sa palengke, eh may kumukuha naman pala sa inyo nang mga iyan." Biglang tanong nito.

"Ah, wala lang, para hindi ako humihingi nang sa magulang ko. Ang turo kasi nila, dapat pinagtatrabahuan ang lahat nang bagay. Kaya ganun, at isa pa nag-eenjoy naman ako eh." Hindi nakaligtas sa mata niya ang paghanga sa titig nito nang saglit siyang lingunin.

'Your just making me love you more for that?" Bulong nitong sa kawalan.

"Anong binubulong mo dyan?"

"Ah wala sabi ko maganda ka."Anito sabay ngisi. Napapa-iling na lang siya rito. Alam niyang hindi iyon ang narinig niyang tinuran nito. It was something that make her heartbeat, erratically pounding inside her.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa palengke na pinagdadalhan niya nang gulay. Panay ang nataggap niyang tukso mula sa mga kaibigan niyang tindira.

"Ang guwapo nang kasintahan mo, Madz. Saan mo nakita iyan?" Tukso ni Rebecca ang isa mga nagtatrabaho rin sa palengke.

"D'yan lang sa tabi tabi, pero hindi ko siya boyfriend. " Napuna niya ang masamang tinging ibinigay sa kanya ni Shenn dahil doon. Nagagalit ba ito dahil sa sinabi niya. Haggang sa makarating sila sa tabi nang tribike niya hindi ito kumibo.

"Oy, bakit parang galit ka ata,"

"Wala. Sumakay ka na nga," pikang saad nito saka umaangkas sa tribike niya. Nalilitong napasunod na lang siya rito. Hanggang sa maihatid siya nito, nanatili itong walang imik. Hindi nga ito nagpaalam sa kanya.

"Ano bang problema niya?" Kausap niya sa sarili saka pumasok sa bahay. "Hay bahala siya." Kunway baliwalang saad niya sa sarili.

Dalawang araw ang matuling lumipas, at hindi ito nagpakita sa kanya. Nakadama siya nang pagkai-irita dahil doon. Dahil hindi niya ma-iwasang mamiss ito. She was expecting him to visit her, after her class. O kaya sunduin man lang siya nito pag-uwi niya sa mula sa eskuwelahan. Pero wala ito. Padabog na sinipa niya ang naka-usling batong nadaanan niya. Habang papasok siya nang hacienda. "Buwisit---ouch." Nakangiwing daing niya. Pambihira, kung ano ano na ang nangyayari sa kanya sa araw na iyon. Dahil sa lalaking iyon.

WAY BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon