6

8.3K 120 1
                                    


PABALIK NA na sila nang bahay nang napuna niya ang labis na katahimikan nito. Hindi niya maunawaan kung bakit parang lagi na lang ito nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Magsasalita sana siya nang ihinto nito ang kotse sa tapat nang bahay nila.

Papalapit na sila sa pinto nang mauligan niya ang tila pagtatalo nang magulang niya. Bagay na ikinakunoot noo niya. Para kasing umiiyak ang ina niya. Mabilis ang hakbang na umakyat siya sa tatlong baiting na hagdan.

"Anong gagawin natin, hindi ko kayang isiping mawawala ang lupa natin." Nahihirapang magsalita ang ina niya sa tinurang iyon. Ano bang pinag-uusapan nang mga ito? At ano ang sinasabi nang ina niyang mawawala ang hacienda? Sa kung anong dahilan ay tila siya itinulos na nanatiling nakatayo sa tabi nang hindi pa niya nabubuksang pinto. Her hand holding the door knob. Subalit malinaw niyang naririnig na umiiyak ang ina niya.

"Amelia, patawarin mo ako. Ayaw nang pumayag nang bangko na e-extend ang palugit sa atin." Parang biglang may sumipa sa dibdib niya sa sinabing iyon nang ama. Kailan pa nakasanla sa bangko ang amin na ektarayang lupain nilang iyon. Naramdaman niya ang paglapit ni Shenn sa tabi niya.

"Paano na ang anak natin, " humihikbing saad nang ina niya. Noon mabilis niyang pinihit ang nakasarang pinto. Kapwa pa nagulat ang mga ito nang makita siya.

"Anong ibig ninyong sabihing ma-eelit ang lupa natin? Nay, tay?" Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga ito. Nahahapong umupo ang ama niya sa sofang nasa likod nito.

"Hindi lang ang lupa anak, pati na ang bahay nating ito." Mabigat ang dibdib na saad nito. Tila siya nasasakal sa mga nalalaman. Doon niya nalaman na isinanla pala nang ama niya ang bahay at lupa nila nang makaroon nang sakit ang ina niya. Pitong taon na ang nakararaan. Nagkaroon nang tumor kanser ang ina niya noon. At kinailangan nitong operahan. Kahit minsan ay hindi niya na isip na ang bahay at lupa nila ang ginamit nang ama niya para doon. Hindi iyon sinabi sa kanya nang mga ito.

Nang nakaraang dalawang taon, naging mahina ang ani nila dahil sa bagyong nanalansa sa kanilang lugar. At itong taon lang muli bumabawi ang kita nila.

Binalot siya nang awa para sa magulang. Sa mabigat na mga paa, nagawa niyang lapitan ang mga ito. She was trying to console her parents. Nang lingumin niya si Shenn. Napuna niya ang seryosong titig nito sa kanya. Wala siyang nakikitang ano mang reakyon sa mukha nito.

Kanina ay napag-usapan nilang sasabihin nila sa magulang niya ang pagpapaksal nila. Pero sa sitwasyon nilang iyon, hindi niya maaring dagdagan ang bigat na dinadala nang magulang niya. Alam niyang labis na magdaramdaman ang mga ito kapag nalaman nito ang pagpapakasal nila ni Shenn. Tiim bagang nagpaalam sa kanya si Shenn.

"Hayaan mo na ninyo, 'tay puwede naman tayong magsimulang ulit diba." Aniya sa magulang sa kalmadong tining. Ano pa nga ba ang magagawa nila kundi ang magsimulang muli? Subalit naroon pa rin ang panghihinayang niya sa dibdbib. Sa bahay nilang iyon siya lumaki. At iyon rin lang ang kayamanang mayroon sila. Ang lupang taminan nila ay siyang tanging hanapbuhay nang magulang niya. Hindi niya masasabing mayaman sila, subalit kahit minsan ay hindi siya nakadama nang gutom at paghihirap. Dahil maayos na nakakapagprovide ang ama niya para sa kanila. Subalit nangyari na ang lahat at wala nang puwang ang panghihinayang. And besides Shenn will he with her. Alam niyang hindi siya nito iiwan. Salamat sa isiping iyon, dahil tuluyang napawi ang agam agam niya. Sapat nang alam niyang naroon ito sa tabi niya. Para gumaan ang pakiramdam niya.

Apat na lingo ang matuling lumipas. At labis siyang nababahala roon. Hindi pa kasi nagpapakita sa kanya si Shenn, mula nang magpaalam ito sa kanya. At hindi rin niya magawang tawagan ito. Hindi kasi niya makontak ang numero nito mula nang umalis ito. At habang lumilipas ang araw lalo siyang kinakabahan. Hindi rin siya makapag-concentrate sa pag-aaral niya dahil sa kaaisip dito.

WAY BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon