4

8.1K 97 0
                                    


"HOW'S YOUR EXAM?" Excited na tanong ni Shenn nang sumakay siya sa kotse nito. Katatapos lang nang final exam niya. At nangako itong lalabas sila sa araw na iyon. It was their first formal date. Para na rin sa first monthsary nila. Hindi niya maiwasang makadama nang excitement dahil doon. Parang kay bilis nang araw na lumipas sa pagitan nila. Hindi nga niya halos namalayan na isang buwan na rin ang lumilipas mula nang maging sila nito. She had learned so much about him. That he was five years older that she was, at nakapagtapos ito nang Business Management sa America. Dahil iyon ang gusto nang ina nito. Pinili nitong nanatili sa Pilipinas para pangalagaan ang lupaing naiwan nang abuela nito. At ngayon nga ay pinangangasiwaan nito ang lupain. Ang haciendang pag-aari nito ay mas di hamak na mas malaki kaysa sa lupain nila. Dalawang ulit na siyang dinala nito sa malaking mansion na pag-aari nito. At hindi niya maiwasang makadama nang awa para dito. He seems too lonely living alone in that old mansion. Pulos katulong lang kasi ang kasama nito roon. Kaya hindi na niya pinagtatakhang lagi itong naroon sa kanila.

"Ayos lang naman, nakakagutom lang."

"Ah, I'll make sure na mabubusog ka mamaya." Nakagiting saad nito saka masuyong pinisil ang palad niya.

"Bakit saan ba tayo pupunta?"

"Surprise." Napa-iling na lang siya sa tinuran nitong iyon. Alam niyang hindi rin naman niya ito mapipilit na magsabi sa kanya. Kaya nanahimik na lang siya. Halos kalahating oras din ang biyahe niya bago nila narating ang talon. Hindi niya inaakalang doon siya nito dadalhin. Hindi na kasi siya nagpunta roon dahil ayaw nito.

"Bakit tayo nandito?" Tanong niyang hindi mawala ang ngiti niya sa labi. How she wish na mas maaga silang nagpunta roon. Para nakapagswimming siya.

"This is my surprise to you." Anito saka siya hinila sa kubong naroon sa di kalayuan. Kailan pa nagkaroon nang ganun roon. Parang hindi niya maalala. "I build this for you. " Puno nang kasiyahang saad nito saka siya binukasan ang pinto. Kasunood noon ay ang pagliwanag nang boung paligid. Dahil sa binuksan nitong switch nang ilaw. Nalaman niyang nagpakabit pa ito nang kuryente para lang magkaroon nang ilaw doon.

"Bakit ka nagtayo nang kubo dito hindi ba magagalit ang may-ari nang lupa sa atin nito." Kunoot noong tanong niya rito. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito mula sa likod niya.

"I'm sure hindi siya magagalit, actually talagang ginawa nang may-ari ang bahay na ito para sa magandang babaing kayakap ko ngayon. This land belongs to me, now sweetheart." Paliwanag nito sa kaguluhan sa isip niya. Pero hindi ba pinagbawalan siya nitong manatili roon. Dahil may mga mangagawa na magtatrabaho doon.

"Alam kung gusto mo rito laging manatili. Kaya ginawa ko ito para sa'yo. " Anito saka siya inakay sa lamesang naroon. Noon lang niya napansing nakaayos ang lamesa sa gitna nang maliit na salas. Maganda ang ayos nang bahay na iyon, elegante sa kabila nang hindi kalakihang pagkakagawa roon. "I didn't prepare much. " Anang nito saka siya hinila para maupo roon. May dalawang kopitang naroon sa gitna ay ang wine bottle na mukhang malamig pa. May pagkaing natatakpan nang aluminum na takip.

Nabigla pa siya nang ilabas nito mula sa likod nito ang tatlong pirasong rosas mula sa likod nito. "Sabi nang lola ko, wala akong maaring pagbigyan nang bulaklak niya sa hardin niya, kundi ang babaing gusto kong makasama habang buhay. So I'm giving this lovely flowers to the lovely lady I want to be with everyday." Bakas ang sinseridad sa tinuran nitong iyon. Hindi tuloy niya maiwasang maramdaman ang pag-init nang sulok nang mata niya. Saka mabilis na yumakap dito.

"I love you Shenn I really do."

"I love you too sweetheart, always remember that." Napangiti si Madelyn ng bigyan siya ng binata ng back hug. Nanatili sila sa ganung ayos sa mahabang sandali. Tila hindi nila naalalang may nakahandang pagkain para sa kanila. Nalaman niyang ang mga katulong nito sa bahay ang naghanda nang mga iyon para sa kanila.

WAY BACK TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon