-Ang Nakaraan-

51 12 7
                                    


ang nakaraang pilit tinatakasan
ang nakaraang pilit tinatakbuhan
ang nakaraang pilit makalimutan
ang nakaraang pilit iniiwanan

ako'y nakakadena sa nakaraan
ako'y binabalikan ng kadiliman
at ang kalungkutang babalot sa akin
ay muli kong ito mararamdaman

nakapulupot parin ako sa salitang,
salitang makakapanghina sakin
salitang makakapagpatumba sakin
salitang hinding-hindi ko kayang labanan

kaya di ako makatayo sa sarili kong mga paa
dahil alam kong paulit-ulit akong matutumba
dahil sa mga salitang kinakatakutan ko
mga salitang ayokong marinig mula kahit kanino

pero kahit anong gawin ko bumabalik parin ang nakaraan
pero alam kong lalaban ako
para sa aking kasiyahan.

Words From Within (poem book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon