-tiwala-

36 10 3
                                    

Ang maling akala na nagdulot sa nasirang tiwala

hawak hawak mo ang mga salitang kanyang sinabi
mga salitang nagpapabihag sayo mula sa kanyang labi
ay ang mga salitang makakasira sayo
mga salitang makakapanakit sayo

pinili mong mabulag-bulagan
para lang maisalba ang relasyon ninyo
kahet alam mo sa sarili mo na mali na
kahet alam mo sa sarili mo na puro kasinungalingan na

dahil kumapit ka sa mga salitang sinabe nya
tulad ng "mahal kita"
"ikaw lang wala ng iba"
"ikaw lang sapat na"

binigay mo ang iyong tiwala sakanya
kahet di ka sigurado kung dapat ba talaga
pero dahil mahal mo sya
binigay mo ang iyong tiwala ng walang pag aalinlangan pa

hanggang humantong sa punto na
nalaman mo na ang totoo
nalaman mong ika'y niloloko
at umabot na kung san nawala na ang salitang "kayo"

Words From Within (poem book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon