Mga ngiti saking labi
ang sasabi na ako'y masaya
ngunit sa isang sandali
magbabago ito bigla.Biglang magbabago,
at ito'y magiging lungkot;
titiisin ang sakit
hanggang sa di na kayanin.Mahihirapan huminga
dahil sa sakit na di maibuga
di mabura saking isipan,
ang mga naiipon na salita na di malaman ang dahilan.Pilit na ngumingiti
sa harap ng mga tao
kahit sobrang sakit
pilit na tinitiis.Hanggang ngayon linoloko ang sarili,
para magpanggap na ayos lang
para magpanggap na pede pa
para magpanggap na kaya pa.Haharap ulit sa madla,
ipapakita na masaya
para walang makakaalam
ang sakit ng aking dinadamdam.
BINABASA MO ANG
Words From Within (poem book)
Poezja•ongoing• "these are words I gained from within." this is a book full of poems to express my feelings for a certain person or situation that i've written with passion and genuine love.