ang sikat ng araw, ang bubungad sa iyo tuwing umaga
na magsisimbolo ng liwanag sa iyong mundo
para bang kapag ito'y ituturing mong tao
sya ang magbibigay saya, ngiti at kulay sa iyong buhay;pagsapit naman ng gabi,ang buwan naman ang magpapakita
ito'y magsisilbing liwanag sa madilim na kalangitan
na para bang nagsisimbolo na kahet gaano kadilim ang iyong buhay, darating rin ang oras na ito ay liliwanag at kukulayang mga tala naman ay mga makukulay at nagsisiliwanag
na mga maliliit na tuldok na magpipinta ng iba't ibang imahe sa madilim na kalangitan,
na kapag tinitignan mo, ang mga mata mo ay kikinang
para bang sumasalamin lahat ng mga tala sa iyong mga mata
ito'y nagpapakita ng interes mo sa isang tao at gaano karupok ang pede maging ng isang taoparang ikaw,
ikaw yung araw ko na bubungad saken
na pangingitiin, pasasayahin ako araw-araw,
na magbibigay kulay sa aking mundoikaw yung buwan na magbibigay liwanag saking madilim na buhay;
na kapag malungkot ako,
nanjan ka para pasayahin ako
na kapag ako ay naiiyak,
nanjan ka para magsilbing unan at panyo ko
at bibigyan mo ako ng rason para sumaya muli.at ikaw ang aking tala
na kapag ika'y nakikita,
kumikinang ang aking mga mata,
na para bang kapag tinitignan kita,
bumubuo ang imahe ng ating mga masasaya na ala-ala.
at nakita ko sayo kung gaano ka karupok kaya andito ako para pahalagahan ka,
ipakita na may interes ako sayo at mahalin ka hanggang sa dulo,
dahil ikaw ang aking araw, buwan at tala sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
Words From Within (poem book)
Poetry•ongoing• "these are words I gained from within." this is a book full of poems to express my feelings for a certain person or situation that i've written with passion and genuine love.