-Nung may mahal ka ng iba-

36 10 5
                                    


mga araw na masaya pa tayo sa isa't isa
ay nawala na lang ito bigla
nang malaman kong nahulog ka na sa iba
at nagsawa ka na sa kung anumang meron sating dalawa

onti onting gumuho ang aking mundo
nung nalaman kong aalis ka na sa tabi ko
onti onting nawasak ang aking puso
nung nalaman kong mawawala ka na sa piling ko

onti onti ka ng napupunta sa iba
wala nakong nagawa kung hindi magpalaya
sabay tumulo ang aking mga luha
nung nalaman kong tuluyan ka ng napunta sakanya

nawala ang lahat, pati ang mga pangakong sinabe mo saken dati,
na sabe mo di moko iiwan
na sabe mo di moko pababayaan
nasan na iyon? naitapon mo na ba?
dahil lang nahulog ka na sakanya?

ang kislap ng iyong mga mata ay di na makikita
dahil ang mga matang nakatingin lamang saken, ay nakatingin na sa iba
ang mga yakap mo na dati sa akin mo lang ipinapadama
ay nadarama na ng iba
ikaw, na dati ay nakakapiling ko pa
ay nasa piling na ng iba

onti onti ka ng lumalakad palayo
habang ako'y nanatili sa kinatatayuan ko
habang pinagmamasdan ka ng palayo
at don na nagsilabasan ang mga luha ko
nung nalaman kong di ka na babalik muli sa piling ko

at ngayon, papalayain na kita
dahil alam ko sakanya ka sasaya
basta ipapaalala ko lang sayo
ikaw lang mahahalin ko hanggang dulo

Words From Within (poem book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon