-tagu-taguan-

15 4 0
                                    

tagu taguan ay parang nararamdaman ko para sayo
itatago dahil natatakot masaktan
itatago dahil natatakot matanggihan

para tayong naglalaro ng tagu-taguan
ikaw yung magtatago, at ako ang taya
na hahanap sayo hanggang sa masulyapan ka ng aking mata
at ika'y magtatago dahil di mo tanggap na mahal na kita

ngunit magtago ka man, ay ikaw paren ang hahanapin
hahabulin kita sa tuwing mahahagip ka ng aking paningin
at tatayain ka baka sakaling ika'y maging akin

kapag ika'y nahagip ng aking paningin
di na kita uli hahayaang patakasin
dahil baka sakaling maging akin
ang iyong puso na matagal ko ng idinadalangin

Words From Within (poem book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon