option

14 4 0
                                    

ako yung nandito
pero sya pinili mo
ako yung nanatili
pero iniwan mo paren ako

ginawa mo lang naman akong pagpipilian
dahil alam mong pede mo parin akong balikan
di mo naman ako mahal eh,
sadyang nanatili ka lang dahil wala kang malandi

pinaasa mo'ko sa mga salita mo
umaasa akong mamahalin mo'ko nang totoo;
nakakapagod, nakakapagod umasa
nakakapagod maging huli mong pagpipilian

nagsasawa nako, ngunit nanatili paren ako sayo
nanatili akong tapat sayo
nanatili ako dahil mahal kita
pero parang wala lang saiyo

hayaan mo, dahil balang araw, di na kita tatanggapin
balang araw, di na ikaw yung hahanapin
balang araw, di na ikaw yung hahabulin
dahil balang araw magkakaroon ako ng taong talagang pipili saken

Words From Within (poem book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon