Chapter 2

179 6 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 2

May's POV

Nagising ako sa isang malambot na kama.Naninibago ako, teka? hindi naman ganito ang kama sa kuwarto ko ah?

"Ineng ayos ka lang ba?" Nagitla ako sa nagsalita kaya napakislot ako.Tinignan ko sya, isang ginang na wari ko ay kasing-edad lamang ni mama.Medyo may katabaan,maputi at bilugan ang mga mata.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid ng kwarto, mukha itong guest room. Kulay blue ang wallpaper at may aircon mukhang mayaman ang nakatira dito ah.

Itinutok ko ang mata ko sa ginang na nasa harap ko."Sino po ba kayo?"

Ngumiti sya sakin, hinawakan nya ang kamay ko kaya agad ko itong binawi mukhang nagulat sya sa pagbawi ko sa kamay ko kaya agad akong humingi ng paumanhin.

"Pasensiya na po, hindi lang po talaga ako sanay eh hindi ko po kasi kayo kakilala." Ngumiti lang sya sakin at tumango.

"Ayos lang yon ineng pasensiya na rin at mukhang nabigla ata kita."

"Naku! Hindi naman po ma'am pero pwede po bang magtanong? asan po ba ako?"

Pano ba kasi ako napunta dito?

"Ahh kasi ineng nakita kita kanina doon sa may tabing kalsada wala kang malay kaya naisipan kong dalhin ka muna dito sa bahay para makapagpahinga ka putlang-putla ka kasi eh."

Oo nga pala bigla na lang akong nanghina sa daan kanina,dapat pala akong magpasalamat kay Ma'am--- "Ano nga po palang pangalan nyo ma'am?"

"Uhh..ako si Lydia, Lydia Projimo.Ikaw ineng ano bang pangalan mo?" Nag-sign sya sakin ng shake hands kaya agad ko ding tinanggap ang kamay nya.

"May Villaroel po ma'am"

"Halika hija baka nagugutom ka na, kumain ka muna dine" Tumango na lamang ako dahil totoo namang gutom ako tsaka bawas na din sa gastos hehe.

Nakasunod lamang ako kay ma'am Lydia binabagtas namin ang daan patungong kusina.Hindi ko mapigilang hindi humanga sa bahay ni ma'am Lydia napakaraming mamahaling bagay tulad ng vase at paintings parang nakakatakot hawakan kasi mas mahal pa ata ito sa buhay ko.

"Halika May, upo ka at kukuha lang ako ng makakain" Tumango lang ako kay ma'am Lydia at ngumiti ewan ko ba pero sobrang gaan ng loob ko sa kanya.Yung pakiramdam ba na parang matagal na kaming magkakilala ewan ang weird nga eh.

Pagdating ni Ma'am Lydia napakarami nyang dalang pagkain.May kaldereta, adobo,paksiw, at carbonara,yun nga ba tawag don? ah basta mukhang masarap eh hmmm.

"Kain ka lang May" Nagpasalamat lang ako sa kanya.

"Saan ka ba pupunta ineng at napakarami mong dala? naglayas ka ba?" Napatawa naman ako sa sinabi ni ma'am kaya nagtaka ang mukha nya.Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi nya pero tumawa ako.

"Naku! hindi ko po ma'am magagawang maglayas mahal ko po ang mama ko" nakangiting pahayag ko sa kanya.Bigla ko tuloy naalala si mama ano kayang ginagawa nya ngayon?

"Eh pasaan ka?"

"May leukemia po ako ma'am, may taning na po ang buhay ko pero bago sana ako mawala...gusto ko po munang makita yung idol ko na pangarap na pangarap kong makita noon pa man." Nakangiti ngunit emosyonal kong aniya.

Hindi ko namalayang katabi ko na pala si ma'am Lydia at pinipispis ang likod ko.Naramdaman kong may tumutulo sa mata ko.Uhh! umiiyak na naman ako.

Miss na miss ko na si mama..

"I'm sorry" ika ni ma'am Lydia.

"Wala po kayong kasalanan ma'am kaya wag kayong mag-sorry.Tanggap ko naman po tsaka alam ko na kapag namatay ako oras ko na po talaga yon" Ngumiti ako sa kanya.Niyakap nya ako kaya niyakap ko rin sya.

"Ahh ma'am aalis na po ako maraming salamat ho sa pagtulong at pagpapatuloy sakin eto ho ma'am. Kakaunti lang po yan pero pagpasensyahan nyo na po sana."Sabi ko saka ako dumukot ng isang libo sa wallet ko.

Nang akmang iaabot ko na ang pera ay ibinalik nya lng ito sakin gamit ang mga palad nya.

"Neng hindi mo maaring ibayad ang pera sa lahat ng pagkakataon.." paliwanag nya habang nakatingin diretsyo saking mga mata. "Ayos na sa akin na ang bayad mo na lang ay ang paggaling mo.Ipagdadasal kita ineng.Mag-iingat ka." Nakangiti nyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya, "Maraming salamat po ma'am"

Inihatid nya lang ako sa gate ng bahay nila.Sinamahan nya ko na mag-abang ng tricyle para makapunta sa terminal ng bus pa-Maynila.

Nang makasakay ako sa tricycle ngumiti lang ako kay ma'am Lydia saka kumaway.

Napangiti ako sa sarili ko at napa-isip.Hindi rin kita makakalimutan ma'am Lydia.

'Akalain mo yun may mababait pa rin palang tao sa panahong ito na hindi humihingi nang kapalit na biyaya sa kabutihang ipinakita nila'

+++++

A Million Steps to TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon