Chapter 9

125 4 1
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 9

May's POV

"Where have you been?" Agad- agad na tanong ni Sofronio sa akin habang ako ay sobrang hingal na hingal pa.Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago sumagot sa kaniya.

"Nagutom kasi ako kaya naghanap ako ng pagkain sa baba, sorry natagalan" paliwanag ko sa kanya na tinanguan lang niya.

"It's ok, pasensya na din medyo natagalan din kasi sa meeting.There's just a misunderstanding" Tumango-tango lang ako sa kaniya hanggang sa inaya niya ako na bumaba na para umalis.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad siya sa unahan ko. Nakayuko lang ako kasi nanliliit ako sa kanya, marami kasing tao ang nakatingin sa kanya kaya nagpapahuli na lang ako.

Pasakay na sana kami sa elevator ng makaramdam ako ng kakaiba. Nanghihina na naman ako at pakiramdam ko ay ilang segundo pa ay matutumba ako mabuti na lang at naging mabilis ang kilos ko naitukod ko ang isa kong paa na naging dahilan naman ng pagkaliay ko.

Napalingon sa akin si Sofronio ng makita niya ang kalagayan ko ay agad niya akong inalalayan.

"Are you okay? Do you want me to call a doctor?" nagpa-panic na sabi niya sa akin na agad kong inilingan, ayokong malaman niya ang tungkol sa sakit ko.

"But you look pale"

Ngumiti ako sa kanya bilang pag-sign na okay lang ako kahit hindi.

"Ayos lang ako, umuwi na lang tayo" inalalayan niya ako papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa sasakyan.

Sobrang nanghihina na talaga ako, parang  pakiramdam ko ay isa akong lantang gulay.Ngayon lang ito nangyari sa akin kaya natatakot talaga ako.

Ayos lang naman sa akin kung mamamatay na ako pero Diyos ko! wag naman po sana ngayon, wag naman po sana sa harap ni Sofronio.

Pinikit ko ang mata ko dahil hindi ko na talaga kaya, sobrang sarap at gaan sa pakiramdam ngayong nakapikit ako ang sarap ng ganito napaka-tahimik at payapa.

Hindi ko na namalayan ang sunod na mga nangyari, nagising na lang ako dito sa kuwarto na tinutuluyan ko.

Bumaba ako at naabutan ko si Sofronio na naka-ubob sa lamesa mukhang nakatulog siya habang nagla-laptop. Napatingin ako sa orasan, ala sais na pala ng hapon.

Dumiretsyo muna ako sa kusina, tinignan ko kung anong pwedeng lutuin, inuna ko muna ang pagsasaing dahil baka matagalan ako kapag inuna ko ang pagluluto.

Nang matapos ako ay isinunod ko namang buksan ang ref upang tignan kung may pwede ba akong maluto doon kaya lang kulang pala ang mga gulay. Balak ko kasi sana na magluto ng sinigang ngayon para kasing masarap ang mainit na sabaw.

Napag-desisyunan ko na lumabas muna ng bahay para mamalengke may tira pa naman akong pera dito kaya yun muna ang gagamitin ko.

Sumakay ako sa tricycle at agad nagpahatid sa pupuntahan ko.Malayo-layo pala ang palengke sa tinitirahan ni Sofronio kaya medyo mahal rin ang pasahe pero kinuwenta ko naman ang pera ko ay abot pa.

Nakaka-miss ang ganitong aura, yung para ka ding nasa probinsya ang amoy, ang ingay na nagmumula sa mga tindera na nanghihikayat na bilhin ang kanilang mga paninda.

Naaalala ko tuloy si mama, noong bata ako lagi niya akong sinasama sa palengke sa mga pamimili niya.Tanda ko pa nga noon na halos lahat ng daanan naming magtitinda ay kakilala ni mama kaya lagi siyang nakaka-tawad. Nakangiting napapailing ako sa naiisip ko.Kailan kaya uli yon mangyayari?

A Million Steps to TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon