A Million Steps to Take
Chapter 25May's POV
Ilang oras lang ng makarating kami sa bahay ay naalala ko na hindi pa nga pala ako nagpapaalam kay Sofronio.
Hindi niya alam na pupunta kami dito sa Quezon kaya natatakot din akong mag-alala sya.Assuming much noh?
Pero walang makakapigil sakin hehehe.Para namang may pumipigil talaga.
Dumiretsyo ako sa kwarto ko dito sa Quezon.Wala namang pinagbago, medyo maalikabok na nga lang.
Kinuha ko na ang cellphone ko at nag-data.Huli na ng ma-realize ko na expired na nga pala ang load ko kaya naisip ko na lang na pumunta na lang muna sa isa sa mga computer shop dito sa amin.
Dali-dali akong tumakbo pababa ng bahay.Muntikan pa nga akong madapa sa hagdan dahil hindi ako nakatingin sa mga steps.
"Ma! Labas lang ako saglit, magi-internet lang ako." sigaw ko dahil hindi ko alam kung saang parte ng bahay nandoon si mama.
"Ingat ka anak ha? Bumalik ka agad, magga-gabi na.Maya-maya ay baka dumating na si Kaye dito."
Napag-alaman kong nasa kusina pala sina mama kasama si Harvey at nagluluto na ng sopas.Basta talaga pagluluto kasama lagi si Harvey, may bansag sya sa sarili niya eh. Siya daw yong 'tagatikim' dahil ayon sa kanya eh matalas daw ang panlasa nya.
"Sarap niyan ah.Patikim?!" Lumapit ako sakanila saka kinuha ang sandok at sumalok ng sopas.
"Masarap ah.In fairness ma, di pa rin nagbabago ang galing mo sa pagluluto." tumatango-tangong sabi ko.
"May, aagawan mo pa ata ako sa pagiging tagatikim ko ah." Harvey joked.
"Haha, walang makakatalo sayo sa pagiging patay guts eh." sinamaan nya ako ng tingin kayo lalo lang akong tumawa ng malakas.
"Sige na May, humayo ka na at magdidilim na." pagtataboy pa sa akin ni mama.
"Samahan na kita May?" Alok ni Harvey na inilingan ko.
"Kaya ko na sarili ko, dito ka na lang alam ko namang gutom ka pa hahaha."
Babatukan pa sana ako ni Harvey pero mabilis akong nakatakbo palabas.Tawa lang ako ng tawa dahil sobrang pikon nya parin.
Naglakad na ako patungo sa computer shop.Hindi naman yon kalayuan at mga ilang lakad din lang, kaya hindi na ako nag-abalang kumuha pa ng tricycle.
May mga poste rin naman ng ilaw so hindi rin masyadong nakakatakot dito.Wala naman masyadong loko-loko dito at halos lahat ay kakilala ni mama kaya lagay ang loob ko na walang maggo-good time sakin.
Inabot ako ng mahigit limang minuto bago ako nakarating sa computer shop.Iilan lang rin ang naroroon usually mga naglalaro ng online games.
"Ate pa-rent naman ng isang computer."
Ngumiti si ate sakin, saka nya ako iginaya papunta sa rerentahan kong computer.
"Ilang oras po ba ma'am?" tanong ni ate sakin, mukhang bago pa lang sya dito dahil ngayon ko lang sya nakita dito sa computer shop.
"Isang oras lang ate, Magkano ba?" ngumiti din ako dahil kanina pa sya nakangiti sa akin.
"15 pesos lang po ma'am per hour." tumango ako sakanya saka kumuha ng 50 pesos, pero bago ko pa maabot sa kanya ang bayad ko ay nagsalita na sya agad.
"Ma'am kilala nyo po ba si Sofronio Lopez?"
Faney din ba sya ni Sof?
"Ahh hehe bakit po ate?"
BINABASA MO ANG
A Million Steps to Take
Teen FictionSabi nila, wala raw aksidente sa mundo. Lahat ng nangyayari nakatadhana na daw talaga. Wala ka raw nakikilalang tao dahil sa aksidente, lahat daw yon nakatakdang mangyari. Sa lahat ng yon iisa lang ang natutunan ko, may isa kang taong makikilala na...