A Million Steps to Take
Chapter 8May's POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang may humihipo sa noo ko. "Medyo mainit ka pa rin pala"
Masakit nga ang ulo ko,sobrang bigat rin ng pakiramdam ko.Nilalagnat nga ata ako dahil siguro sa pagkakabasa ko sa ulan kagabi.
Dahil na rin siguro sa mahina na nga ang katawan ko tapos hindi man lang ako nag-iingat.
Napatingin uli ako sa nagsalita at kumurap ng ilang beses mukhang wala nga akong schizophrenia at hindi rin ako nagha-hallucinate.
Hindi ito imahinasyon at panaginip lamang narito nga siya sa aking harapan.Si Sofronio na dahilan ng pagpunta ko rito ay nakikita ko na at kinakausap pa ako.
"Hey" Napatigil na lang ako sa pag-iisip sa kawalan ng iwagayway nya sa harap ko ang mga kamay niya.
"Sorry" nakayuko kong sambit na tinanguan lang niya.
"I'll just get you some soup para medyo bumuti ang pakiramdam mo" ngumiti lang ako sa kanya. "Thank you"
Pagkadating ni Sof ay may dala-dala na siyang sopas umupo siya sa tabi ko at sinimulan akong subuan. Hindi na ko tumanggi kasi masama talaga ang pakiramdam ko at hinang-hina pa ako tsaka minsan lang naman ito better to cherish this moment.
"Bakit ka ba nagpakabasa sa ulan?" Biglaang tanong niya sa akin habang umiinom ako ng gamot.
Ikinuwento ko lang sakanya lahat para malinawan siya except lang sa part na may sakit ako at dun sa nagpunta ako rito para makita siya.Ayoko namang pati si Sofronio ay maawa pa sakin.
"So you mean,you need a job?" tumango lang ako kasi totoo naman, ngayong nakita ko na siya kailangan ko namang mag-ipon ng pera uli para makauwi na sa amin.
"If you want, You can be my personal assistant".Nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya at parang aso na tumango.Akalain mo nga naman ang tadhana magkakatrabaho na nga ako kasama pa yung Idol ko.
"Kailan ba ako pwede magsimula?" sobra kaya akong excited, dream come true oh. Thank you Lord!
"You can start tomorrow" Tumayo siya mula sa pagkakaupo dala na yung pinagkainan ko.
Sumunod ako sa kaniya, natagpuan ko siyang hinuhugasan ang pinagkainan ko habang nagha-hum ng kanta.
"Sofronio" Napalingon siya noong tinawag ko ang ngalan niya.
"Hmmm?"
"Bakit mo ako dinala dito? eh artista ka at ni hindi mo nga ako kilala? Paano kung isa pala akong spy at paparazzi na may gustong gawing masama sa iyo?"
Tumawa siya at seryosong tumingin sa akin "Because I know that you're a good person, and common sense you won't say those words to me kung may balak ka ngang masama sa akin"
Napahanga na naman ako kay Sofronio.I admire him so much lalo na ngayong mas nakikilala ko na siya, I appreciate how he trust people easily without any doubt.Mapapa-sana all ka na lang talaga eh.
Nakahalumbaba na lang ako dito sa may lamesa habang nakatitig sa kanya.Nang matapos siya sa paghuhugas ng plato ay inaya niya na ako na ihatid sa kwartong maari kong tuluyan.
"Here's your pillow and blanket, if you need anything just call me.Good Night"
"Good Night rin" ngumiti lang ako sa kanya bago isarado ang pinto. Dumiretsyo na ako sa kama at nagmuni-muni hanggang sa dinalaw ng antok.
BINABASA MO ANG
A Million Steps to Take
Teen FictionSabi nila, wala raw aksidente sa mundo. Lahat ng nangyayari nakatadhana na daw talaga. Wala ka raw nakikilalang tao dahil sa aksidente, lahat daw yon nakatakdang mangyari. Sa lahat ng yon iisa lang ang natutunan ko, may isa kang taong makikilala na...