A Million Steps to Take
Chapter 16May's POV
"Hello?" pagsagot ko kahit hindi ko kilala yung tumatawag.Unregistered number kasi eh pero minabuti ko paring sagutin baka kasi mamaya emergency pala.
[May] my heart skipped a beat nang makilala ko kung sino yung tumatawag.
"Harvey?!" sobrang namiss ko na ang taong ito, pati yung anak niya.
[hmmm.] maiksing pagsagot niya pero hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko.
"Bakit ka napatawag?" ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya yung feeling na bigla kang nagkaroon ng bagong sandalan at kakampi.
[I've heard the news about what happened to Nathan.] nawala ang ngiti sa mga labi ko ng bumalik ako sa realidad.
[Nasa ospital ka ba?] dugtong na tanong niya.
"Nasa bahay ako eh, pero nasa ospital si Sofronio siya yung nagbabantay kay Nathan ngayon."
[Wait i'll fetch you there. Wait for me okay?] agad akong umiling as if nakikita niya ko.
"Hindi na, paalis na rin ako" pagtanggi ko sa paanyaya niya nakakahiya din kasi.
[No, I insist wait me there i'm on my way.Bye]huling sabi niya saka binaba ang telepono.
Wala na rin akong nagawa, makakatipid din ako sa pamasahe kaya ok na rin.Isa pa,matagal ko na ring hindi nakakausap si Harvey.Sayang nga lang kung pwedeng isama si Angeline sa hospital pinasama ko na siya kay Harvey.
Isinarado ko na ang pintuan ng bahay at minabuti na doon na lang hintayin si Harvey sa labas.
Hindi na rin naman nagtagal ay nakarinig ako ng busina.Agad siyang lumapit sa akin at kinuha ang mga dala ko.
"Hey." Maikiling bati niya.Ngumiti lang ako dahil wala pa rin ako sa mood magsalita.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pagsakay ko ay sumakay na rin siya.
"Bago ang kotse mo?" I started the conversation to broke the silence.
"Ahh oo, last month pa to" pagsagot niya sa tanong ko.Ngayon ko lang din kasi nakita ang kotse niyang to, ang tanda ko kasing kotse niya ay yung Toyota na kulay black.
"Angeline misses you so much, nagtatampo na nga siya sayo.Pangako mo daw kasi na bibisita ka." dagdag pa niya. Ngumiti na lang ako.
"Miss na miss ko na nga din ang batang iyon.Matagal na nga akong nagbabalak pumasyal sa inyo kaso sunod-sunod naman yung nangyari." Tumango-tango naman siya habang hindi nakatingin sa akin.Nagda-drive kasi siya eh kaya tutok na tutok sa kalsada.
"Congratulations!" nangunot ang noo ko at pinagmasdan siya.
"Para saan?" sandali siyang tumingin sa akin at saka ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.
"Natupad mo na ang pangarap mong makita si Sofronio." Matamis akong ngumiti.
"Very blessed." maikling tugon ko.
"Alam ba niya ang tungkol sa sakit mo?" agad akong umiling.
"Sa dami ng nangyari sa kanya, ayoko na munang dagdagan ang problema niya.Lalo na ngayon at critical pa ang lagay ni Nathan." tumango-tango naman siya.
"Pero dapat masabi mo sa kanya yan as soon as possible." turan niya.
"Soon." nagkaroon nang sandaling katahimikan sa paligid namin pagkatapos ng usapang yon at di nagtagal ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa aming paroroonan.
BINABASA MO ANG
A Million Steps to Take
Teen FictionSabi nila, wala raw aksidente sa mundo. Lahat ng nangyayari nakatadhana na daw talaga. Wala ka raw nakikilalang tao dahil sa aksidente, lahat daw yon nakatakdang mangyari. Sa lahat ng yon iisa lang ang natutunan ko, may isa kang taong makikilala na...