Chapter 6

134 3 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 6

May's POV

"Uy! magkakaroon daw ng meet and greet si Sofronio doon sa MOA, punta tayo?"

"Sige-sige! Sama ako ha? " Rinig kong tsismisan ng iba pang mga kasambahay dito sa bahay.

Teka-teka? Sofronio ba kamo? Shemmmss.Di ko mapigilang hindi lumapit sa kanila.

"Si Sofronio ba kamo?" Tanong ko. Parang nagulat naman sila kasi bigla silang naghiwalay at bumalik sa trabaho nila,pero nung mapagtanto nilang ako pala yon bumalik din sila sa pagchi-chismisan.Tss. para-paraan din mga to oh.

"Oo May may meet and greet daw siya bukas,pupunta kami ikaw ba?" Tumango ako.

Seems like matutupad ko na ang pangarap ko.Habang sinusuklay ko ang buhok ni Angeline kakanta-kanta lang ako. "Hmmm...Hmmmm. Sofronio...Hmmm"  sobrang excited na ako bukas.

"Mommy May,why are you smiling,is there something funny?" Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako na parang baliw dito.

"Mommy May will be able to see her Idol tomorrow.That's why i'm smiling,I am very happy and excited baby"Tumango lang siya.

"Pwede po ba akong sumama mommy May?" Masayang tugon niya. Naku! pano ito?

"Baby kasi pag sumama ka baka mawala ka don sa mall.Bawal kasi don ang bata eh.Next time na lang ok?" Tumango lang siya.Buti na lang maganda ang pagpapalaki ni Harvey dito kay Angeline.

-

Papunta ako ngayon sa office ni Harvey dito sa bahay.Magpapaalam ako sa kanya para bukas.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"May,upo ka" tumango lang ako sa kanya saka umupo.Mukhang busy si Harvey, ang daming papel na nasa ibabaw ng table nya katabi ng computer.

"Busy ka ata ah"

"Ahh oo eh dami kong naiwan sa company,tumambak tuloy" saka siya tumawa ng mahina.

"May kailangan ka ba?" tanong niya na tinanguan ko.

"Magpapaalam sana ako kung pwedeng mag-day off ngayon at bukas" Nakikinig lang siya all the time.

"Ok lang naman,I know  you need a break too, lalo na at may sakit ka"

"Thank you Harvey, maiwan na kita para makagawa ka na ng ginagawa mo" Tumango lang siya.Lumabas na din ako dun sa office niya at nagbihis.

Napaharap ako sa salamin.Ngayon ko lang ulit nakita ang mukha ko sa salamin.Ilang araw ko ding nakalimutan ang tungkol sa sakit ko dahil nalibang ako kay Angeline.

Mas lalong lumala ang pamumutla ng mukha ko, nanlalagas na din unti-unti ang mga buhok ko.Gusto kong umiyak pero para saan pa? Kasalanan ko din naman kung bakit ito lumala.Nabasa ko din sa mga articles na maraming mga tao ang nakakaligtas sa leukemia pero financial problem kasi.

Naglagay ako ng kaunting lip gloss at blush on sa mukha ko para hindi naman masyadong halata ang pamumutla sa mukha ko.

Lumabas ako ng bahay.Nag-abang ako ng masasakyan.

Nagpahatid lang ako sa simbahan siyempre diba? Miracles do happen, lalo na kung may faith ka kay Lord.

-

"Manong bayad oh" Nandito na ako sa tapat ng simbahan,walang misa ngayon eh kaya visit na lang ako.

"Ate bili ka na ng sampaguita at kandila" Napatigil ako.May batang nasa harapan ko. Marumi ang damit niya halatang kailangan niya ng pera kaya binili ko na yung inaalok niya sakin.

"Salamat po ate" nakangiti niyang pasasalamat sakin.

"Welcome" sagot ko at ginulo ang buhok niya.

Pumasok na ako sa loob ng simbahan.Lumuhod ako sa luhuran at taimtim na nagdasal.

"Lord, salamat po sa lahat.I know Lord na malalampasan ko po lahat ng pagsubok.Patawarin niyo po ako sa lahat ng nagagawa kong pagkakamali."

"Lord,please guide me always.Lalo na po Lord kung kukunin nyo ako sana naman po matanggap ni mama.Ingatan niyo po siya lagi please Lord. Mahal na mahal ko po si mama at ayaw ko po siyang makitang nasasaktan."

"Lord,kung sakali naman po pwede po ba na kunin nyo ako kapag nakita ko na yung idol ko,alam kong alam niyo po kung gaano ko siya kapangarap na makita.Lord,give me sign please. Thy will be done,Lord."

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod.Nag-bow lang ako sa gitna at lumakad na para magtirik ng kandila.

Pagkapunta ko don nakita kong may mga meaning pala yung kandila.Rosas.Para sa espesyal na intensyon.Tamang-tama yun pala yung kulay na nabili ko.

Nagdasal lang ako saka naglakad na palabas.

Bago ako makalabas may humila saking matandang babae na nakasuot ng itim na belo.Muntik na kong mapasigaw sa takot.

"Huwag kang matakot ineng huhulaan lang kita,pahiram ng palad mo"

Nagisip ako, wala naman sigurong mawawala kung magpapahula ako diba?

Ibinigay ko ang palad ko,hinawakan niya ito at sinusugsog ang mga guhit sa palad ko.

"Malapit na ineng" Napakunot ang noo ko.

"Ano pong malapit?" Hindi niya ako sinagot bagkus patuloy lang siyang sa pagtingin sa mga guhit sa palad ko.Very Creepy.

"Malapit nang lumabas ang katotohanang nahimlay sa nakaraan.May darating na bago pero muli kayong magkakahiwalay.Huwag mong hayaang maulit ang nakaraan" Yun lamang ang sinasabi niya saka hinarap ako.

"Maraming pagsubok ang darating ineng,pero kumapit ka lang" Napatango ako,iniwan niya akong tulala.

-

"Are you ready?" tanong sakin ni Weyn.Yung kasambahay na kasama ko sa meet and greet ni Sofronio.

"Very ready na, super excited na ako" Today is the day ang meet and greet ng Idol kong si Sofronio.Makikita ko na rin siya sa wakas.

-

"Pila lang po kayo dito." Sabi nung staff saming mga fans.

Hala ang pangit nga pala ng camera ng cellphone ko. Di-keypad lang kasi ito kaya medyo hindi class ang camera.

Nakakita ako ng grupo ng mga kabataan nakatumpok sila at katulad ko ay excited din.

"Uhh hi?" tantiya ko ay nasa edad kinse hanggang disa-sais ang mga kabataang ito.

"Hello po" Magiliw na bati nila sakin.

"Pwede bang makipicture mamaya?" Tumango sila.

"Thank you!" Ngumiti lang sila.

Mga ilang oras din kami nag-intay punong-puno ang tao halos hindi na kasya sa 3rd floor ng mall na ito.

"Uhh sorry po pero over time na po kasi hindi na po abot eh sorry po.Nezt time na lang po" Nalaglag ang balikat ko sa sinabi ng staff.

Ito na ba yon? Is this the sign Lord?

A Million Steps to TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon