Chapter 5

128 4 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 5

May's POV

"Daddy!" Napatigil ako sa pagkatulala ng marining ko ang matinis na boses ni Angeline.

"Hi Baby" Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa.Napansin siguro ni Harvey na nakatitig ako sa kanila kaya humarap siya sakin at ngumiti kaya ngumiti rin ako.

"Baby, Have you met ate May already?" Ngumiti siya at sunod- sunod na tumango kay Harvey.

"Yes Daddy! Mommy May is very kind.I like her so much!" Nagtaka naman si Harvey at tumingin sakin ng nagtatanong.

Nagkibit-balikat ako then I mouthed 'I dont know'

"Mommy May?" Nagtatakang tanong ni Harvey sa anak niya.

"Yes daddy mommy May is my new mommy"

Nagkatinginan kami ni Harvey.Ako na ang naunang umiwas  ng tingin ang awkward kaya.

Yumakap bigla sakin si Angeline "Mommy May let's go to the mall I want to play arcade games."

Tumingin muna ako kay Harvey na parang humihingi ng permiso syempre anak nya ito.

Tumango si Harvey sakin at ngumiti kaya naging sign yun para pumayag sa kay Angeline.

"Baby we'll go to the arcade later,but daddy and May have to talk first,ok?" si Harvey na ang sumagot para sakin.

"Ok daddy!" Sagot ni Angeline saka bumalik na sa paglalaro ng kanyang barbie.

"Let's go May"

-

"Harvey" Tawag ko sa kaniya nakatulala siya sa isang picture frame na may mukha ng isang napakagandang babae.

Tumingin siya sakin. "Sorry". He said. Tumango lang ako.

"Di mo naman sinabi saking may anak ka na pala,di mo man lang ako kinuhang ninang" may himig na pagtatampong sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko at nilagay ang kamay niya sa mukha niya.

"I'm sorry May kung hindi ko nasabi sayo, I was just nineteen when I made my girlfriend Shiela pregnant.Having a baby was not in our plan because we're very young that time" Nakikinig lang ako sa sinabi niya.

"Wag ka namang english ng english Harvey Philippines to" Tumawa kami.Pero sinabi ko lang yong para gumaan ang atmosphere sa pagitan namin.

Ang bigat naman kasi ng pinag-uusapan namin. "Sige Harvey kuwento ka na" Tumango lang siya.

"Nung nalaman naming buntis siya,inilihim muna namin sa mga parents namin.Pareho kaming takot,hindi namin alam kung kaya ba naming gampanan yung responsibilites as parents." Tumatango-tango lang ako sign na magpatuloy lang siya.

"Then napagkasunduan namin na sabihin sa mga parents namin ang sitwasyon.Our parents decided na ipakasal kami pagkapanganak ni Shiela.We both agreed kasi mahal naman namin ang isa't-isa."

"Ayos naman kami nung nagbubuntis siya ibinibigay ko lahat sa kanya nung naglilihi siya.But then nung pagkapanganak niya everything changed. Gumagawa siya ng dahilan para hindi matuloy ang kasal namin."

"Then one time nagpunta siya sa kuwarto namin.Angeline was two months that time nang ibinigay niya sakin si Angeline dahil hindi niya daw kaya ang responsibility as mother marami pa raw siyang pangarap at magiging sagabal lang daw kami.She left us without any explanation.Lumaki si Angeline ng walang nanay."

Nakakalungkot naman pala ang kuwento ni Harvey at nung nanay ni Angeline.Humarap ako kay Harvey nakita kong nakayuko siya at nakatakip ang mga palad sa mukha gumagalaw rin ang balikat niya.Umiiyak siya.

This is the first time na nakita ko si Harvey na umiiyak.Matapang siya, Kaya niya ang lahat totoo pala talaga na kahit gaano ka katapang kapag tungkol na sa anak mo lumalambot ka.

Pinispis ko ang likod niya at niyakap siya. Lahat pala talaga ng tao napakadaming problema.

Tumunghay si Harvey at pinunasan ang mukha niya. Ngumiti siya sakin then mouthed sorry.

"Ayos lang yon, tara na?" Tumango lang siya sakin.

Naglakad na kami papunta sa kwarto ni May.Pagbukas namin naglalaro pa rin si May ng mga laruan niya pero ng makita kami ay agad ding tumigil at lumapit sa amin.

"Baby, bibihisan na kita pupunta na tayo sa arcade!"

"Yehey! Yehey!" talon siya ng talon sa kama niya.

"Harvey intayin mo na lang kami sa baba, bibihisan ko lang si Angeline"

"Ok" Huling sabi niya bago lumabas ng kuwarto.

Binihisan ko na si Angeline, pumili ako ng dress sa cabinet niya.Napakadaming magandang damit dito pero I chose the dress na color pink since it's Angeline's favorite color.Pinuyudan ko lang din siya ng pony then nilagyan ko siya ng Headband.

Nung tinignan ko siya sa kabuuan hindi ko mapigilan na hindi kurutin ang pisngi niya sobrang cute hihi.

-

"San mo pa gustong maglaro baby?" Nakangiting tanong ko sa kanya dahil kanina pa kami naglalaro dito sa arcade.

"Daddy, Mommy May let's go sa claw machine" Tumango lang kami ni Harvey.

"Daddy I want that teddy bear!" Napatingin ako sa Teddy Bear na itinuturo ni Angeline.Color pink yon na may ribbon sa gilid ng tenga. Ang cute nga pero parang ang hirap kunin.

Nag-try si Harvey na kunin yung teddy bear pero kada malapit na don sa hulugan nabibitawan nung pangkuha.

Nakailang subok pa si Harvey pero hindi talaga kaya.Maya-maya pa ay nainis na si Harvey at tinigilan na.

Humarap si Harvey kay Angeline.Lumuhod siya sa harap nito at hinawakan ang dalawang balikat.

"Baby daddy can't get it let's buy it nalang ok" malungkot na tumango ang nakangusong  si Angeline sa kanya .

"Hey!" Tawag ni Harvey dun sa crew ng arcade.

"Bakit po sir?"

"I'll buy that pink teddy bear" may paninindigan na tono ni Harvey dun sa crew.

"Naku! Sorry po sir hindi po yan pwedeng bilhin" Sagot nung crew.

"I'll pay any amount you want just give me that bear" inis na sabi ni Harvey.

"Naku! Hindi po talaga pwede sir eh" Kakamot-kamot sa ulo na sabi nong crew.

Sumabat na ako. "Hayaan mo na Harvey" Nagbuntong - hininga siya. Humarap naman ako dun sa crew at binigyan siya ng apologetic look.

Ako na ang nag-try na kunin yung bear then nung nakasampung try na ako.Tumingin ako sa paligid I have a plan,I will surely get that bear, by hook or by crook man,.then nung nakita kong walang tao ginawa ko na yung plano ko.

Kinuha ko na yung bear gamit yung pangkuha tapos nung malapit  na don sa hulugan tinagilid ko yung claw machine.Boom! Shoot!

Napanganga si Harvey sa ginawa ko.Kumindat lang ako sa kanya.Kinuha ko yung bear at binigay kay Angeline.

Niyakap niya ako "Thank you mommy May!"

A Million Steps to TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon