A Million Steps to Take
Chapter 11May's POV
Alas-dos na ng madaling araw pero wala pa rin akong tulog.Naghahanap ako ng pwedeng gawing panregalo kay Sofronio.Wala kasi akong pera kaya 'crafts' na lang ang ipanreregalo ko sakanya.
Mabuti na nga lang at may wifi dito sa bahay ni Sofronio kaya nakakapag-search ako ng 5 minutes craft.
Tamang-tama lang dahil girl scout ako kaya lagi akong may dalang colored papers, may mga naka-print din akong picture ni Sofronio kaya yun na lang ang gagamitin ko dito.
Inabot ako ng halos tatlong-oras sa panggagawa, paulit-ulit kasi ako hindi ko kasi makuha yung pattern puro hindi pantay-pantay.
Sobrang dumi na tuloy dito sa kwartong ito puro pinag-gupitan na papel at sabog-sabog na glue ang nandito kailangan ko pa tuloy linisin.
Maya-maya ay may narinig akong katok kaya dali-dali kong tinapos ang paglilinis ko.Itinago ko rin yung ginawa kong regalo baka mamaya pangit na nga palpak pa eh.
"May?"
Binuksan ko na ang pintuan at ngumiti sa kanya.Imbes na gumanti ng ngiti ay kumunot ang noo niya at tumitig sa mukha ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"May problema ba?" takang-takang tanong ko sa kanya.
"What happened to you? Ang lalim ng eyebags mo" napahiya naman ako sa tinuran niya.
"Ahh wala hehe, aalis na ba?" Tumango siya. "Get fixed, iintayin na lang kita sa baba" pagkasabing-pagkasabi niya noon ay sinaraduhan ko na agad ang pinto.Nakakahiya naman kasi ang itsura ko mukha na ata akong zombie.
Dumiretsyo na agad ako sa CR at naligo.Naghanap na rin ako ng damit.Pinili ko yung kulay yellow na off-shoulder tsaka pantalon hindi kasi ako nagde-dress.
Pagkatapos ay naglagay lang ako ng kaunting lip gloss at blush on para hindi mahalata ang pamumutla ng mukha ko.
"Hey" Napalingon si Sofronio ng tawagin ko siya, tinignan niya ang kabuoan ko "Are you ready Trése? " Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.
Sumunod ako sa kanya sa parking pinagbuksan na din niya ako ng pintuan ng kotse.
Dinadalaw ako ng antok ng makasakay ng sasakyan mukhang ang sarap matulog.Nagmulat lang ulit ako ng mata ng makalipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin umaandar ang kotse.
Tinignan ko si Sofronio nakaupo lang siya sa driver's seat at nakatitig sa akin. "Umamin ka nga Trése naka-drugs ka ba?" seryoso niyang tanong kaya hinampas ko siya sa kamay.Mukha ba akong adik para pagkamalan niya?
"Baliw!" Hindi ako sumagot sa kanya saka tumagilid at humarap sa bintana. Patuloy siya sa pagkulbit pero wala akong balak pansinin siya.
"Hey Trése, nagjo-joke lang ako" Humarap ako sa kanya para irapan siya. "Pwes hindi magandang biro Sofronio.Mag-drive ka na nga lang" Ipinikit ko na muli ang mga mata ko.Naramdaman ko na sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan.
Medyo nagi-guilty ako kay Sofronio kasi birthday niya ngayon tapos inaaway at tinatarayan ko lang siya.
"Uy! Sof, sorry" Hindi niya ako pinansin.Kinalabit ko siya pero hindi niya ako pinapansin shemms.Nabaliktad na ang mundo siya na ngayon ang galit sa akin.
"Happy Birthday Sofey" Sabi ko at saka siya hinalikan sa pisngi.Medyo nakakahiya pero yung lang ang naiisip kong dahilan para hindi na siya magalit sa akin.
Bigla niyang nai-preno ang sasakyan kaya muntik na akong mapasubsob.Tinignan niya ako ng nanlalaki ang mata at namumulang mukha shemms ang cute niya.
BINABASA MO ANG
A Million Steps to Take
Teen FictionSabi nila, wala raw aksidente sa mundo. Lahat ng nangyayari nakatadhana na daw talaga. Wala ka raw nakikilalang tao dahil sa aksidente, lahat daw yon nakatakdang mangyari. Sa lahat ng yon iisa lang ang natutunan ko, may isa kang taong makikilala na...