El Greco, 2016"HOY mga bata! Bilis bilisan nyo'ng kumilos at anong oras na naman aber!" inis na sabi ko habang hinahanda ang babaunin naming magkakapatid na tortang talong at sinangag sa baunan.
First day ngayon ng school year, grade 12 na ako. Si Jennie na sumunod sa akin ay grade 10, Si Dylan na pangatlo ay grade 8, Si Mina na pang apat ay grade 6, at si Jeon na aming bunso ay grade 4.
Kakauwi ko lang galing duty sa pinagta-trabahuan kong convenience store. I'm working student and ako na rin ang nagpapaaral sa mga kapatid ko. Graveyard ang schedule ko sa work since nag aaral ako sa umaga.
Tanging talong at itlog nalang ang naisip kong bilhin nang mapadaan ako sa talipapa kanina pauwi since madali nalang itong lutuin, ito nalang din ang kasya sa budget pang baon namin na binigay lang din ng customer na tip kanina.
Pagdating ko ay agad akong nagluto at ginising na rin ang mga kapatid ko para makaligo na sila, kapag natapos na silang lahat ay ako naman ang mahuhuli dahil mabilis lang naman akong maligo.
Ihahatid ko muna sila Mina at Jeon sa kanilang school since elementary palang sila at pagkatapos, sabay sabay na kaming tatlo nila Jennie at Dylan since mga high school na kami and sa iisang school lang din naman kami nag aaral.
"Pag sabihan mo nga 'tong isa na ang tagal maligo! Nakakainis!" inis na sabi ni Mina habang hinihintay ang ate nya'ng nasa CR pa rin.
"Kung kanina ka pa kasi bumangon edi tapos ka na sana, alam namang makupad kumilos 'yang babaeng yan." sagot ko sabay higop sa kape.
"Katukin mo na kaya, baka kasi natutulog na yan sa loob." reklamo ni Mina, napailing nalang ako sa kanya.
"Nako! Malalaki na kayo kaya matuto na dapat kayong bumangon ng maaga at kumilos ng mabilis. Wag nyong pairalin ang ganyang ugali't walang mangyayari sa inyo." inis kong sermon sa kanya.
Paulit ulit na 'yan ang madalas nilang pag awayan sa tuwing may pasok sa umaga. Kung hindi sa pagligo ay sa kung sino ang mauunang bumangon, kapag dadating ako ay pahirapan pa silang gisingin at bigla nalang mag-uunahan sa banyo hanggang sa mag away na sila.
Wala namang problema sa dalawang lalaki dahil sa may poso sa labas na sila naliligo, kaming tatlo lang ang nagamit ng banyo. Dahil sa inis ko ay kinatok ko na sa CR 'yong isa dahil hindi pa ako nakakaligo at 30 mins nalang din bago mag start ang klase.
"Hoy Bruha! Baka gusto mong bilisan at male-late na tayo, natutulog ka na ba d'yan?" inis na tanong ko kay Jennie.
"Eto na nga lalabas na! di tuloy ako nakapag shampoo" inis na sagot nya nang makalabas.
"Eh kanina pa nga ako naghihintay dito eh! mag iisang oras ka na kaya dyan sa banyo!" inis na sabi ni mina.
Mukang mag aaway na naman yung dalawa kaya't inawat ko na ito bago pa lumala.
"Wag na kayong magtalo pa! Ang mabuti pa'y maligo kana at wag mo nalang patulan yang ate mo dahil wala na tayong oras. Bilis!" baling ko kay Mina na tumalima naman pero sinamaan pa ng tingin yung ate nya bago pumasok ng banyo.
"Oh ikaw naman magbihis ka na at asikasuhin mo yung dalawa pagkatapos." baling ko naman sa isa na tinaasan lang ako ng kilay bago pumasok sa kwarto.
Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa.
Nagwalis walis pa ako sa labas at nagpakain ng alaga naming mga manok sa likod ng bakuran habang hinihintay si Mina, matapos ay sa loob naman ako nagligpit.
Maya maya pa'y pumasok na yung dalawang kapatid kong lalaki galing sa labas na kakatapos lang din maligo. Pinapasok ko na sila sa kwarto para magbihis at nang matapos na si Mina maligo ay sumunod na ako para makaalis na kami.
BINABASA MO ANG
Me and My Boys (UNDER REVISION)
RomanceEl Greco Series #1 Meet Deinland Cervantes. A vague person who was abandoned by the world because of an unexpected situation that happened in his life. When he went to Manila, he found a job immediately with the help of a concerned friend. He really...