9th CHAPTER

2.3K 99 5
                                    




~ DEILAND ~


HINDI mapigil ang pagkabog ng dibdib ko habang naglalakad kami sa hallway papunta sa office ni sir Remington, ramdam ko ang butil na pawis sa noo ko kahit pa malamig ang paligid dahil sa malakas na aircon.

Ito ang  unang beses na haharap ako sa  isang mayamang business man kaya hindi ko maiwasang kabahan, base sa mga naririnig ko ay strikto daw ang mga ito at metikuloso.

Samantala, sila ate Alice at Jennie naman ay kalmado lang na naglalakad sa unahan ko, hindi ko nababakas ang kahit anong kaba sa kanila.  Maya maya ay huminto kami sa isang malaking pintuan sa pinaka-dulo at kumatok doon si ate Alice.

Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng kaba dahil mukang nandito na kami sa pakay namin, ramdam ko ang presensya nung nasa loob kahit hindi ko pa ito nakikita. Biglang may sumagot na lalaki na sa tingin ko ay si sir Remington na.

"Please come in!"

Pinihit ng ni ate Alice ang doorknob at unti unting bumukas ang pinto, huminga muna ako ng malalim bago sumunod sa loob ng office. Mas lalo akong gininaw dahil doble ang lamig sa office, dahilan para mangatog ako since wala akong suot na jacket.

Isang lalaki ang nakaupo sa swivel chair ang bumungad sa amin at nakayuko ito na parang may sinusulat. Sa kanya marahil yung boses na narinig kong nagpapasok sa amin kanina dahil s'ya lang naman ang tao dito. Nang tumingin ito sa amin ay nakita kong may hitsura s'ya kahit pa halata mong may edad na s'ya.

Siguro ay mga nasa mid 40's na s'ya pero makikita mo na maganda pa rin ang tindig nito. Mestizo s'ya at napakakinis ng muka, mapupula ang mga labi n'ya at expressive din ang mga mata, bumagay din dito yung bigote at balbas n'ya.

Tinanggal n'ya yung suot na salamin saka ngumiti sa amin, sinenyasan n'ya kami na umupo. Sa tingin ko naman ay mabait siyang tao dahil magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"Take your seats"

"Thank you sir!" sagot ni ate Alice saka inaya kaming umupo.

"Sila na ba yung mga ni-recommend mo sa akin?" nakangiting tanong ni sir Remington.

"Yes Sir, don't worry. Mababait at masisipag po ang mga batang 'to dahil kilala na po sila ng mama ko, at tiyak ko pong magugustuhan n'yo sila." pagmamalaki pa sa amin ni ate Alice dito.

Nakaramdam ako ng hiya  dahil hindi ako sanay na ibinibida sa ibang tao. Napatango-tango naman si Sir at ngumiti ulit, unti unti namang nawawala ang kaba ko dahil mukang mabait naman s'ya.

"I see, mukang mababait nga sila. Anong nga palang mga pangalan n'yo?" baling sa amin ni sir Remington.

"Ako po si Deiland."

"Ako naman po si Jennie."

"I'm glad to meet you, Deiland and Jennie. Ilang taon na kayo?" tanong ulit ni sir.

"18 years old na po ako, at s'ya naman po ay 16 years old na."  sagot ko.

"Oh, you guys are too young, but why do you need to work? Where's your parents?" parang interesadong tanong ni Sir sa amin.

Me and My Boys (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon