~ DEILAND ~ISANG buwan na magmula nang matapos yung school at nandito lang ako madalas sa bahay, tanging pagbabasa lang ng mga pocket books tuwing hapon ang s'yang pinagkaka-abalahan ko para hindi naman ako mabagot kahit papano.
Tuwing gabi pa rin ang pasok ko sa trabaho kaya paminsan minsan ay may sideline din ako para may ibang mapagka-kitaan. Nabalitaan ko rin na umalis na sa bayan yung mga kaibigan ko at nagsipunta na sila sa lugar kung saan sila mag aaral ng college.
Kasalukuyan kaming nagsasampay ng mga damit na kakatapos lang naming labhan, katulong ko sila Jennie at Mina na maglaba ng mga damit. Tanghaling tapat na kaya tirik na tirik ang araw pero mabuti nalang dahil mahangin din ang paligid.
Nasa likod kami ng bahay nang may marinig kaming sigawan sa loob ng bahay.
"Anong pinagmamalaki mo ha? Itong pesteng buhay na binigay mo sa akin?" rinig naming sigaw ni mama mula sa loob. Sigurado kaming nang aaway na naman sila ni papa.
"Bwisit! Palagi nalang tayong ganito sa tuwing uuwi ako. Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan." sigaw naman ni papa.
Alam kong dahil na naman sa pera yung pinag-aawayan nila, siguro ay ayaw bigyan ng pera ni papa si mama dahil alam n'yang ipangsusugal na naman ito ni mama. Hindi nalang namin pinansin 'yon at pinagpatuloy na lang namin ang ginagawa. Sanay na kaming palagi silang naririnig na nagsusumbatan kaya normal nalang 'yon para sa amin.
Noong una ay umiiyak pa kami dahil hindi kami sanay na nag aaway sila, pero nang tumagal ay unti-unti na rin kaming nasanay. Pinipili nalang naming magbingi-bingihan sa tuwing may gan'tong sitwasyon para hindi na rin kami madamay sa galit ni mama.
"Anong kahihiyan ang sinasabi mo? Kayo ang nagbibigay sa akin ng kahihiyan, kasama 'yang anak mo sa labas! Pareho kayong mga malas sa buhay ko." sagot ni mama.
Napatigil ako nang marinig ko yung sinabi ni mama na anak sa labas, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nakaramdam ng kaba dahil sa narinig. Dahil doon ay minabuti kong pumasok sa loob para marinig pa yung iba nilang mga sasabihin dahil hindi maganda ang kutob ko.
Nasa salas sila nag aaway kaya nagtago ako sa dingding sa kusina para makinig sa usapan nila.
"Ikaw ang malas dahil ikaw ang hindi marunong tumanggap! Bakit? Ano bang kasalanan sa 'yo nang bata at ang laki laki ng galit mo sa kan'ya?" narinig kong galit na depensa ni papa.
"Kasalanan ba kamo? Dahil d'yan sa batang 'yan, minalas malas ang buhay ko! Nang dahil sa kanya kaya nawala ang pinakamamahal kong anak!" galit ding sagot ni mama.
Dahil sa kan'ya? Pinakamamahal na anak? Sino kaya yon? Naguguluhan na ako.
"Wala s'yang kasalanan sa nangyari! Kung meron mang may kasalanan doon ay ikaw 'yon dahil naging pabaya ka!" sigaw ni papa.
"At ako pa talaga ang sinisisi mo ngayon? Bakit ba mas kinakampihan mo pa 'yang batang 'yan kaysa sa akin? Bakit? Hanggang ngayon ba ay mahal mo pa rin si Sandra ha?" sigaw ni mama na s'yang mas lalong nagpagulo sa akin.
Sinong Sandra ang tinutukoy ni mama? Wala namang nababanggit sa amin si papa na pangalang Sandra kapag nagke-kwento sya sa amin tungkol sa mga naging nakaraan n'ya, kaya nagtataka ako sa sinabi ni mama. Ibig sabihin 'yong Sandra ba na 'yon ang naging unang kasintahan ni papa?
BINABASA MO ANG
Me and My Boys (UNDER REVISION)
RomanceEl Greco Series #1 Meet Deinland Cervantes. A vague person who was abandoned by the world because of an unexpected situation that happened in his life. When he went to Manila, he found a job immediately with the help of a concerned friend. He really...