17th CHAPTER

2.3K 69 18
                                    




~ DEILAND ~


NAUUNANG maglakad si Nigel na kumakaway sa mga estudyante at kumikindat pa, si Terrence ay walang reaksyon at naka poker face lang, si Matthew naman ay nakangiti habang nakasuot pa ng shades, ang huli ay si Travis na naka-bitch face habang nasa bulsa yung dalawang kamay nito.

"Nandyan na ang Elite 4!" sabi ni Vanna na nakaturo sa kanila pero nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Hindi mo ba sila lalapitan?" tanong ni Lisa kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" takang tanong ko.

"Diba close kayo ni Matthew? Kung ako 'yan lalapitan ko s'ya agad." kinikilig na sabi ni Vanna habang humuhigop sa iced coffee niya at nakatingin sa apat.

Umiling naman ako "Ayokong ma-attached sa kan'ya o kahit sino sa kanila. Gusto ko ng tahimik na buhay." sagot ko.

Tumango naman sila at hindi na nagsalita pa, patuloy pa rin yung tilian at yung iba ay kumukuha pa ng mga pictures.

"Nand'yan na sila!"

"OMG! Matthew"

"Nigel, my love!"

"Terrence akin nalang!"

"Travis ang pogi mo!"

"Ang gwapo nilang lahat"

"Anakan n'yo ako please!"

"Mga asawa ko 'yan"

Iyan ang karamihan sa mga sigaw na naririnig namin mula sa mga estudyante sa cafeteria. Samantala, kaming tatlo naman ay tahimik lang na kumakain at hindi na nakisali. Maya maya ay nakita naming may magandang babae na lumapit kay Travis at hinalikan siya nito sa labi dahilan para mas lalong lumakas yung tilian doon.

"Iyan si Nicole, s'ya yung sinasabi namin sa 'yong girlfriend ni Travis." sabi ni Vanna na nginuso yung babaeng lumapit kay Travis.

Tumango naman ako at naalala ko din na siya yung babaeng nakita ko sa picture na kasama ni Travis nung time na naghatid ako ng pagkain sa kwarto niya.

Napansin ko din ang pag iiba ng awra niya mula nang lumapit yung babae dahil biglang umamo yung mukha niya at ngumiti siya dito. Ito ang kauna unahang beses na nakita ko siyang ngumiti, ibang iba siya ngayon kumpara sa normal niyang itsura na seryoso.

Totoo nga ang naririnig ko noon na kapag mahal mo ang isang tao ay handa mong baguhin ang sarili mo para dito. Ganito pala talaga kamahal ni Travis si Nicole, maski ito ay napapaamo siya.

Sana lang ay wag na silang maghiwalay pa, nang sa gayon ay baka sakaling magawa ring mabago ni Nicole nang tuluyan ang ugali ni Travis. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng paghanga sa kanila dahil bagay na bagay sila, bukod doon ay halata ring mahal na mahal nila ang isa't isa.

Umakbay si Tavis kay Nicole at sabay silang pumunta sa counter. Samantala, nauna naman na yung tatlo at nagsitabihan pa yung iba para sila ang mauna.  Nang makabili sila ay pumwesto sila sa may bandang gitna kasama yung girlfriend ni Travis.

Nakita ko na nagsusubuan pa sila Travis at Nicole habang kumakain kaya ang sweet nilang tingnan, naalala ko na ganito din ang ginagawa sa akin ni Terrence noong kami pa. Napailing iling ako at pinilit ko itong alisin sa isip ko dahil hindi ito kaaya ayang ala-ala para sa akin.

"Uy bakit? Ok ka lang ba?" tanong ni Lisa nang makita niyang umiling ako.

"Wala ito, nauuhaw lang ako." sagot ko at tumayo para bumili ng tubig. 

Me and My Boys (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon