~ DEILAND ~"WHAT the hell are you doing here idiotic gay?" tanong ni Travis sa akin habang namumula ito sa galit at nanlilisik na nakatingin sa akin.
Nagpilit akong ngumiti sa kanya kahit pa natatakot ako pero nakita kong mas lalo lang kumunot yung noo n'ya. Hindi ko nagawang sagutin yung tanong n'ya dahil wala akong lakas ng loob.
Nag iwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko na kaya pang tingnan s'ya ng matagal. Kahit pa nandito si ma'am ay hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, magagawan pa rin n'ya ako ng masama.
"Lord please help me"
Gusto kong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo pabalik ng restaurant kaya lang, wala akong lakas para gawin 'yon dahil tila nanigas ako sa kinauupuan ko.
Pinagsisisihan ko na tuloy kung bakit pa ako pumayag sa alok ni Sir na pumunta dito kahit pa alam kong unang pagkikita pa lamang namin ni Travis ay hindi na maganda, at mas lalo lang itong lalala kapag tumagal pa.
Ramdam na ramdam ko yung mabigat ng presensya n'ya na nagbibigay sa akin ng kakaibang takot, parang anumang oras ay handa n'ya akong lamunin ng buhay sa paraan ng pagtitig n'ya.
Tila hinihigop ng mga matatalim na tingin niya ang lahat ng lakas ko, alam kong galit na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon dahil sa ginawang pagta-tanggol sa akin ni Terrence at ni Sir.
"Anong ginagawa ng baklang 'yan dito mom? Sinong nagsabi sa kan'yang pumunta sya dito?" galit na tanong ni Travis habang hindi pa rin inaalis yung tingin sa akin.
"Ano ka ba naman Travis! Did you see na kakarating pa lang ni Deiland tapos gan'yan na agad ang isasalubong mo sa kan'ya?" sermon sa kanya ni ma'am. "Ako ang nagsabing pumunta sya dito and from now on, he will work here." dagdag pa ni ma'am.
Nakita kong napakuyom ng kamao si Travis. "What? Are you serious with that crazy idea?" sigaw ni Travis. "No! I don't like him here. Paalisin n'yo na s'ya dito ngayon din." pagmamatigas n'ya habang dinuduro-duro ako.
"At sinong nagsabi sayo na ikaw ang masusunod Travis? Ako ang masusunod dito so whether you like it or not, he will stay here!" ma-awtoridad na sabi ni ma'am.
"Fuck! I can't believe this." inis na sagot n'ya at napahawak sa sentido. Ramdam kong nagpipigil lang s'ya sa galit.
"Also, I want you to be nice to him. Don't treat him like that!" pangaral sa kan'ya ni ma'am.
"Hell no! I will never do that! I can't fucking do that!" nanggagalaiti na sa galit si Travis.
"Kuya stop that! wag kang magmura sa harap ng pagkain. Learn how to respect." sabi ni Trisha pero sinamaan lang niya ito ng tignin.
"Respect my ass. Fuck that!" dinig ko pang bulong n'ya at padabog na umupo sa may side ko. Mga tatlong upuan ang pagitan namin.
Muli kaming nagpatuloy sa kwentuhan nila ma'am at Trisha habang si Travis naman ay tahimik lang na kumakain. Nararamdaman ko pa minsan na lumilingon s'ya sa akin kapag tumatawa ako at alam kong masama yung tingin nya, kapag naaabutan ko siyang nakatingin sa akin ay iirap s'ya at agad na iiwas ng tingin.
"Kumain ka lang dyan, magpakabusog ka dahil marami pa naman 'yan." nakangiting sabi ni ma'am na kakatapos lang kumain at patuloy na nagku-kwento sa akin.
BINABASA MO ANG
Me and My Boys (UNDER REVISION)
RomanceEl Greco Series #1 Meet Deinland Cervantes. A vague person who was abandoned by the world because of an unexpected situation that happened in his life. When he went to Manila, he found a job immediately with the help of a concerned friend. He really...