10th CHAPTER

2.3K 100 2
                                    




~ DEILAND ~


HINDI ko inaasahang sa dinami-rami ng taong hindi ko inakalang makikita ko pa, s'ya pa ngayon ang nagpakita. Sad'yang napakaliit ng mundo dahil dito pa kami muling nagtagpo sa bago kong trabaho.

Bakit ngayon pa na kung kailan okay na ako, saka pa s'ya nagpakita ulit sa akin? Bakit kung sino pa yung taong ayaw ko nang makita, s'ya pa yung taong nasa harapan ko ngayon?

Nang dahil sa pagkikita naming ito, muli na namang nanumbalik ang kirot ng mapapait na alalang naidulot n'ya akin na gusto ko nang mawala sa isipan ko.

Sa kabila ng gulat at pagtataka ay pinili kong gawing normal ang kilos ko na parang hindi ko s'ya kakilala. Ngumiti ako sa kanya bilang paggalang dahil customer pa rin namin s'ya, at kasama sa trabaho ko ang pag-galang at pag-ngiti sa mga customers.

"Good morning Sir. Here's your order, 1 cappuccino and 1 red velvet cake." sabi ko gamit ang masiglang tono at nilapag yung order n'ya.

Nakatulala lang s'ya at hindi pa nagsasalita kaya napag-pasyahan ko nang umalis para umiwas sa kan'ya.

"Enjoy your dine in, Sir! Thank you." paalam ko at tumalikod na pero bigla n'yang hinawakan yung kamay ko.

Saglit akong napatitig sa kamay kong hawak n'ya at agad itong binawi dahil baka kung ano pang isipin ng mga makakakita sa amin, mahirap na at ayoko na muling magkaroon ng ugnayan sa kan'ya.

"Deiland." sambit n'ya sa pangalan ko, kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

Binigyan ko s'ya ng emotionless na tingin para ipakita sa kanyang hindi ako apektado sa ginawa n'ya sa akin noon.

"Yes sir? May kailangan pa po ba kayo?"

"What are you doing here? Paano ka napunta dito?" naguguluhang tanong n'ya.

"Sorry Sir, but that's not a part of my job. I have to go since marami pang ibang customers" paalam ko sa kanya at naglakad na palayo.

Narinig ko pang tinawag nya ako pero hindi ko na s'ya pinansin at nagbingi bingihan nalang. Bakit pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako? Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko.

Tama na ang kahibangang 'to, ayoko nang maging mahina ulit sa paningin ng iba dahil na-trauma na ako sa lahat ng nangyari at naka move on na ako sa ginawa n'ya. Tama na yung sakit na naranasan ko sa kan'ya, kay Terrence, at kay papa.

Gaya nga ng sinabi nya sa akin, ituring ko nalang s'yang hindi kilala kaya iyon nalang ang gagawin ko. Buburahin ko na ang lahat ng mga ala-ala ko sa kanya. Madali lang naman para sa kanyang balewalain ako pagkatapos ng lahat, kaya madali nalang din sa akin ang kalimutan s'ya.

Kapag pinakita kong mahina ako sa ibang tao, aabusuhin lang nila ang kahinaan ko at bigla ka nalang babalewalain pagdating ng panahon. Hindi madaling mawala yung sakit na naidulot n'ya kaya ayoko na ulit magtiwala dahil nakakadala nang maiwan mag isa.

Akala kasi nila, porket mabait ka ay hindi ka na napapagod at akala nila ay ganon lang kadaling hingiin yung second chance na gusto nila. Minsan ay kailangan mo din ipakita sa kanila na matigas ka para hindi nila gawin sayo iyon.

Nakakapagod na. Ayoko na.

Pagkapasok ko sa kitchen ay sinalubong ako ni Rica na parang kilig na kilig at may pahampas hampas pa, samantalang yung iba naman ay makahulugan yung tingin at parang may gusto silang malaman.

Me and My Boys (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon