12th CHAPTER

2.3K 104 3
                                    




- DEILAND -


2 months later....

HINDI ko namalayang mahigit dalawang buwan na din kaming nagtatrabaho dito sa restaurant. Sa loob ng ilang buwan ay naging maayos at masaya naman ang pagtatrabaho namin, palaging maraming tao kaya busy kami at nakakapag pahinga lang tuwing linggo.

Minsan nalang ako sumama sa mga gala nila dahil nag iipon ako para sa pasukan sa susunod na buwan, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakahanap ng school na mapapasukan ko.

Nakapag take na ako ng mga entrance exams sa iba't ibang universities at halos lahat ay nag email sa akin na nakapasa daw ako, pero hindi ko alam kung saan ang pipiliin ko dahil madalas akong abala sa trabaho at minsan lang din kung magkaroon ng time para makapag isip.

Paminsan minsan din ay pumupunta sa restaurant sila ma'am Minerva para mamasyal at kamustahin kami, mabuti nalang ay hindi na kasama Travis at nalaman kong pinagbawalan na s'ya ni sir Remington mula ng mangyari yung pamamahiya n'ya sa akin.

Minsan ay nakikipag-kwentuhan din sa akin si ma'am Minerva at Trisha, madali ko lang nakapalagayan yung loob nila dahil masayahin sila at malayong malayo sa ugali ni Travis.

"Deil pinapatawag ka ni Sir. May sasabihin daw s'ya sa 'yong importante. Hintayin mo na din 'tong kape n'ya at ikaw nalang ang magdala doon." sabi sa akin ni Criscel na kakagaling lang sa office ni Sir dahil s'ya ang tagalinis doon.

"Ano naman daw ang sasabihin n'ya?" takang tanong ko.

Medyo kinabahan ako sa kung anong importanteng sasabihin ni Sir, may side sa pakiramdam ko na parang mukang hindi maganda ang sasabihin nya. Pilit ko nalang isinantabi ang pag aalala dahil baka may ipapagawa or iuutos lang s'ya.

"Ewan ko. Basta ang sabi n'ya, papuntahin daw kita sa office n'ya pagbaba ko." sagot n'ya habang nagtitimpla ng kape.

"Sige. Pwede bang pasuyo nalang din muna dito sa ginagawa ko? Ikaw na muna ang bahala sa mga customers ah?" pakiusap ko sa kanya habang tinatapos i-assemble yung mga orders ng customer.

"Sige, walang problema. Ihatid mo na agad 'tong kape n'ya para hindi agad lumamig" sagot n'ya sabay abot sa akin ng kape, inabot ko naman 'yon at kinuha n'ya yung tray na dadalhin ko sana sa costumer.

Habang paakyat sa office ni Sir ay nakasalubong ko si Jennie na pababa palang galing sa kwarto namin. "Saan ka pupunta?" tanong n'ya nang magkasalubong kami.

"Sa office ni Sir, pinapatawag n'ya daw ako e." tumango naman s'ya at nagpatuloy na pababa.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng office ay kumatok muna ako, agad namang  si Sir na parang inaasahan na yung pagdating ko kaya humakbang na ako papasok. Nakita kong abala s'ya sa pagta-type sa laptop, nang mapatingin s'ya sa akin ay ngumiti s'ya at sinarado yung laptop nya.

Lumapit naman ako sa kanya para ibigay sa yung kape "Thank you." sagot n'ya sabay higop doon.

Umupo ako sa upuan na nasa tapat n'ya at nagtanong "Pinapatawag n'yo daw po ako?" tumango naman s'ya.

"Yeah. The reason kaya kita pinapunta dito dahil may hihingiin sana akong favor sayo if it's ok?" tanong n'ya.

"Ano po 'yon, Sir?"

Me and My Boys (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon