~ DEILAND ~KASALUKUYAN kaming nag aaral sa St. Gregory Academy, bagamat hindi man kalakihan ang school ay ito na rin ang pinaka-magandang paaralan sa bayan na hindi pa ganon ka-sibilisado.
Nakakuha kaming tatlo ng full scholarship dahil naipasa namin ang entrance exams, lahat kami ay valedictorian noong elementary. Mula grade 7 hanggang ngayon ay dito na rin ako nag aral since napapanatili ko naman ang mataas na grade ko.
Libre na sa amin yung uniform at libro kaya ang problema ko nalang ay ang gastusin sa mga projects at activities na sya namang pinag iipunan ko palagi sa tuwing sumasahod ako.
Sabay kaming dalawa ni Nigel pumasok sa loob ng school habang siya ay nakaakbay pa rin sa akin. Nahihiya na ako dahil pinagtitinginan kami ng ibang estudyante at makikita mo ang pagtataka sa kanilang mga itsura.
Pero tila balewala lang lahat ng 'yon kay Nigel, parang wala s'yang pakealam sa paligid nya samantalang ako naman ay nakayuko lang dahil sa hiya.
Nang mapansin n'yang nakayuko lang ako ay mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkaka-akbay sa akin.
"Pwede bang bitawan mo na ako, pinag titinginan na tayo dito oh, baka mamaya kung ano pang isipin nila sa atin." pakiusap ko pero natawa lang s'ya.
"Relax ok? Ano naman kung nakaakbay ako? There's nothing wrong about it." kalmado nyang sagot.
Sa huli ay hinayaan ko nalang s'ya dahil alam ko namang di pa rin sya makikinig. Papalapit na kami sa building kung saan nandoon ang room ko.
Hanggang sa makarating sa building ay naka-akbay pa rin s'ya sa akin, nagtataka ako kung bakit hindi pa siya bumibitaw para puntahan yung room nya.
Inisip ko nalang na baka doon din sa building na 'yon ang room nya. Iwinaksi ko nalang ang pag-ooverthink dahil mas mahalaga sa akin ay ang malaman ko kung saan ang room ko dahil late na late na talaga ako.
Ngayon lang ako na-late ng gan'to katagal sa buong buhay ko at ngayong first day na first day pa talaga nangyari.
Ayoko namang sirain ang magandang image ko sa mga teachers lalo na sa principal dahil maganda ang pagkaka-kilala nila sa akin, ako rin ang nangunguna sa running of honors at ayokong mabalewala lahat 'yon nang dahil lang sa late.
Nasa hallway kami nang makasalubong namin ang tatlong babae. Sila Alexa, Victoria, at Louisa, schoolmate ko sila na nasa pinaka last section, noon pa man ay kilala na sila bilang bullies at maaarte sa school. Madalas nilang mapag-tripan ay ang mga scholars na tulad ko.
Pinasadahan pa nila ako ng mapanuyang tingin mula ulo hanggang paa at takang napatingin kay Nigel.
Nagpalipat lipat ang tingin nila sa amin, napataas pa sila ng kilay nang makitang nakaakbay sa akin si Nigel. Hindi ko sana sila papansinin pero nagsalita si Nigel.
"Excuse me Miss, you're blocking our way" mahinahong sabi ni Nigel.
Nahihiya naman silang napatabi nang mapagtanto nilang nakaharang pala sila sa daan. Lihim akong natawa kasi mukang napahiya sila.
"Sorry." mahinhin na sambit ni Alexa. Animo'y nagpapa-cute pa s'ya kay Nigel.
Ngunitian sila ni Nigel at hinila ako para magpatuloy maglakad, nagtataka nila kaming sinundan ng tingin at parang disappointed sila dahil hindi man lang sila pinansin ni Nigel.
Narinig ko pa silang nagbulungan pero hindi ko maintindihan since medyo nakalayo na kami at alam ko namang wala iyong saysay kung ano man 'yon.
"Kilala mo sila?" tanong ni Nigel.
BINABASA MO ANG
Me and My Boys (UNDER REVISION)
RomanceEl Greco Series #1 Meet Deinland Cervantes. A vague person who was abandoned by the world because of an unexpected situation that happened in his life. When he went to Manila, he found a job immediately with the help of a concerned friend. He really...