Same Ground
AiTenshi
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo .Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.
Part 2
Isang buwan makalipas ang kamatay ni Allan, pinilit kong ibalik sa normal ang aking pamumuhay. Bumalik ako sa paraalan upang ipag patuloy ang aking nasimulan. Sayang naman daw kasi at isang taon nalang ay graduate na ako. Hindi naging madali sa akin ang lahat dahil may mga oras na hindi ako makapag concentrate sapagkat binabalot ako ng matinding lungkot at pangungulila sa mga bagay na nakasanayan kong nandito sa aking tabi.
"Walang permanente sa mundo, ang tanging permanente lamang ay ang pag babago. Katulad ng mga kasaysayan, ang nakaraan ay mauuwi na lamang sa isang pangyayari sa nakalipas at hindi na ito maaaring ulitin o balikan. Tama ba Mr. Aaron Dela Cruz na ngayon ay nakatulala sa sulok ng classroom na ito." sigaw ng prof
Tawanan ang lahat..
At napahiya naman ako..
"Im sorry Mam, may iniisip kasi ako" sabi ko na halatang nagulantang sa pang yayari. Tila bumalik sa katinuan ang aking pag iisip.
"Iniisip? Maaari mo ba itong ibahagi sa aming lahat?"
Tahimik..
"Ah e, Tungkol po sa nakaraan.." hindi na ako nakatapos mag salita dahil dumating si Dean at tinawag ang aming prof. "Mr. Dela Cruz, ill go back with you later" ang sabi nito at lumabas ng silid.
Save by the bell. Ang totoo nun ay wala naman talaga akong isasagot..
Makalipas ang ilang minuto ay muling bumalik sa loob ng classroom ang aming guro, at ngayon ay may kasama na itong isang lalaki. Isang lalaking matangkad, bilugan ang braso at halatang alaga sa work out ang katawan. Matangos ang ilong, mapula ang labi at maganda ang mga mata. "Kilala ko ang lalaking ito, siya yung paki alamerong pumigil sa aking pag papatiwakal sa itaas ng burol. "Ano nanaman kayang kadramahan at nandito siya ngayon?" tanong ko sa aking sarili
"Okay Class,I would like you to meet Mr. Allen Santos. Transferee siya mula sa isang paaralan sa kabilang lungsod. Sana ay maging mabait kayo sa kanya. Hmmmm, Pansamantala doon ka muna sa tabi ni Mr. Dela Cruz maupo"
Nag kalakad si Allen patungo sa aking kinalalagyan at naka ngiti ito. Ano naman kaya ang balak niya at nandito siya. Sadya lang ba talagang maliit ang mundo o talagang sinadsadya lamang ng pag kakataon na pag tagpuin kami? "Hi, its you again" ang bati nito sa akin. "Kumusta kana? Buti naman at nakita pa kitang buhay tol" ang bulong nito at parang matatawa siya.
"Natural pinigilan mo kaya ako. Edi sana minumulto na kita ngayon" sarcastic kong tugon.
BINABASA MO ANG
Same Ground
Storie d'amoreGaano ba kahirap mag move on? Sabi nila damhin mo lang sakit hanggang sa tuluyan itong mawala at palayain mo ang sarili mo sa lahat ng bagay na nakakapag papahina sa iyo. Minsan hindi ko na alam kung paano ko dadalhin ang sakit na aking nararamdaman...