Same Ground
AiTenshi
Part 6
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo .Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.
Makalipas ang makasaysayang pag tatapat ni Allen sa akin, medjo naging madalang ang aming pag kikita. Taliwas sa kanyang pangako sa ilalim ng ulan na hinding hindi nya ako iiwan mag isa. Pero ngayon ay iba na. Kung dati ay halos araw araw siyang dumadalaw dito sa aming bahay, iba na ngayon dahil lumilipas ang linggo na hindi ito nag papakita sa akin. Kahit sa paaralan din, hindi ito madalas pumapasok kaya naman ibayong lungkot ang aking nararanasan sa pag babago ng lahat lalo na sa aming samahan.
At dahil nga madalas ay wala si Allen, inaaksaya ko na lamang ang aking oras sa pag lilibot o kung minsan nag lalakad lakad ako sa bukid upang mag pahangin. Mas gusto ko kasing tumambay sa tahimik na lugar kung saan makakapag relax ako at makakapag isip ng mas mabuti. Kung sa bagay, ano pa ang dahilan para manatili si Allen sa aking tabi kung gayong di ko naman kayang suklian ang kanyang pag mamahal sa akin. Nag mumukha lang siyang tanga sa pag subabay sa wala, kaya aminado akong kasalanan ko rin ang lahat, kung bakit ako nag iisa ngayon at walang makaramay. Ginusto ko to, kaya’t heto nalulungkot ako.
"Allan, ayos lang ba sa iyo kung tanggapin ko si Allen?" ang tanong ko sa aking sarili habang nakahiga at nakatingin sa asul na ulap sa kalangitan.
tahimik..
Walang sagot.. maliban sa mga huni ng ibon at kaluskos ng mga kulisap sa damuhan..
Marahil ay kontento na ako sa ganito. Masaya naman talaga ang aking buhay kung tutuusin, medyo may kirot lang kapag sumasagi sa aking isipan ang pangalan ni Allan at ni Allen. Para silang karayom na unti unting tumutusok sa aking puso dahil para lalong mag karoon ng ibayong sakit. Katulad ngayon, nakahiga ako sa damuhan, ngunit pakiramdam ko ay nakahiga sa kamang may thumbstocks dahilan para bumalikwas ako ng bangon. Nasa ganoong posisyon ako ng may matanaw akong isang lalaki na palapit sa aking dereksyon sa di kalayuan. Kaya naman maigi ko itong pinag masdan. "Si Allen! tama siya nga!" ang sigaw ko sa akin isip. Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng ibayong tuwa noong makita ko siya.
"Tol, kumusta kana? Sabi ng mama mo ay dito raw kita matatagpuan. Hindi naman pala ako nabigo." bungad nito habang palapit sa akin.
"Ah oo tol, dito kasi ako madalas nakatambay. Teka bakit ka napa rito?" ang kaswal kong tanong bagamat nais ko naman talaga siyang makita at lumulundag ang puso ko sa sobrang tuwa.
Ah oo nga pala tol, aayain sana kita sa beach para naman makapag usap tayo doon" ang tugon nito
"Um, sige ba tol, kailan ba?" tanong ko
Ngumisi ito at sinabing "Ngayon na!" ang sagot nya sabay hatak sa akin patayo. "Naipag paalam na kita sa mama at papa mo kaya’t wala ka nang dapat pang ipag alala.
![](https://img.wattpad.com/cover/26761796-288-k245567.jpg)
BINABASA MO ANG
Same Ground
RomanceGaano ba kahirap mag move on? Sabi nila damhin mo lang sakit hanggang sa tuluyan itong mawala at palayain mo ang sarili mo sa lahat ng bagay na nakakapag papahina sa iyo. Minsan hindi ko na alam kung paano ko dadalhin ang sakit na aking nararamdaman...