Same Ground
AiTenshi
Part 5
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo .Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.
Lumipas pa ang ilang buwan, wala pa rin pag babago sa samahan namin ni Allen, mag kasama pa rin kami palagi at bukod pa roon ay mas naging open narin siya sa akin pag dating sa mga bagay bagay. Tila naka hanap ako ng bagong Allan sa katauhan ni Allen. Iyon nga lang ay hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya kaya minsan ay nag iingat din ako lalot nararamdaman kong nahuhulog na siya sa akin. Minsan kasi ay namimis interpret ko ang kanyang pag titig, pag ngiti at pagiging maalaga sa akin. Parang hindi ito gawain ng isang kaibigan lang. Ewan. Baka assuming lang ako..
Isang hapon ay inimbitahan ako ni Allen sa bundok kung saan nakalibing si Allan, natatandaan kong doon din nakatanim ang buto ng mangga na iniwan nito at kasalukuyang tumutubo na. Agad akong nag ayos ng aking sarili at nag tungo sa lugar na usapan namin ni Allen. Habang lumalakad paakyat ay natatanaw ko na ang siya na naka tayo sa harap ng puntod ni Allan at tila kinakausap ito. May hawak itong dalawang kumpol ng rosas. Isang kulay puti na inilagay nya sa puntod ni Allan at ang kulay pula naman ay naiwan sa kanyang bisig.
tahimik..
"Nandyan kana pala tol. Oh para saiyo" ang bungad ni Allen sabay abot ng isang kumpol na bulaklak sa akin.
"Hmmm, teka ano bang okasyon tol? saka bakit napaka pormal naman niyang suot mo?" tanong ko habang nakatingin ako sa kanyang kasuotan na kulay asul na long sleeve at fitted na itim na jeans.
"Ah wala tol, naisip ko lang na magiging espesyal ang araw na ito" sagot nito sabay ngiti sa akin
Natahimik ako sa kanyang sinabi bagamat nag bitiw ako ng isang matamis na ngiti..
tahimik ulit..
Tila nag papakiramdaman lamang kami..
"Tumutubo na pala ang puno ng mangga? paniguradong mga ilang buwan lang ay lalaki na ito. " pag basag nya sa katahimikan habang naka tingin sa punong payabong na.
"Ah eh oo nga tol, parang kailan lang noong dinidiligan mo pa ito."
"Oo nga, ilang buwan na rin pala ang nakalipas." tugon nito sabay ngiti sa akin
"Oo, mabilis lang naman ang panahon hindi ba?"
"Oo naman. Mabilis lang talaga." sagot nito at muling ibinaling ang tingin sa malayo.
BINABASA MO ANG
Same Ground
RomanceGaano ba kahirap mag move on? Sabi nila damhin mo lang sakit hanggang sa tuluyan itong mawala at palayain mo ang sarili mo sa lahat ng bagay na nakakapag papahina sa iyo. Minsan hindi ko na alam kung paano ko dadalhin ang sakit na aking nararamdaman...